fourteen ♚

471 20 106
                                    

Chapter 14

[Take note: Continuation 'to ng Chapter 12]

-

Oh shit.

Shit. As in shit talaga.

Hindi ako makagalaw sa kinaroroonan ko ngayon. As in. Hindi ko alam ang gagawin ko, kung tatayo ba ako at sasaktan siya, kung mananatili ako dito hanggang sa magising siya, o kung sasampalin ko siya nang ubod nang lakas sabay sigaw ng: "YOU TOOK MY VIRGINITY!"

ARGH! Ano ba ang pinag-iisip ko?! Erase, erase! Bakit kasi 'yun agad ang pumasok sa isip ko! Imposible! Hindi ibig sabihin na kahit na wala siyang tshirt o kung ano sa pang-itaas eh m-may nangyari! Hindi pwede 'yun!

Bwst! Ang t'nga ko kasi! Akala ko panaginip 'yun pala totoo! Bakit kasi sobrang inaantok na ako?! Ayoko na! Parang gusto ko nang magpalamon sa lupa!

Para makasigurado, tingingnan ko ulit siya at nang makita ko siyang mahimbing pang natutulog, dahan-dahan kong inalis ang kamay niyang nakayakap sa akin. Nakakainis! Hindi ko matanggal kasi ang higpit ng yakap niya. Mas humihigpit kapag inaalis ko! Tulog ba talaga ito o ano? Nakakadiri kasi! Hindi kami close tapos tabi kami sa kama!?

Sana nananaginip na lang ako, PLEASE!

Nang makawala ako sa yakap niya, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kinakabahan. Argh! Bakit ba ako kinakabahan?! Kung ano-ano kasi ang pumapasok sa isip ko!

Nirape niya ba ako kagabi at sinamantala 'yung antok ko? Lasing ba talaga ako kagabi kaya m-m-may nangyari?

Erase, erase! Waaah! Naiiyak ako! Hindi ko alam ang gagawin ko! Literal!

Para makasigurado, ipinikit ko ang mga mata ko at nagbakasakali pang gigising pero shet! Hindi talaga ito panaginip! Kinurot ko ang sarili ko at nagsisisi ako kasi ang sakit. Ayoko na talaga!

Pero wait.

Kung may nangyari nga, ibig-sabihin ba....w-wala na rin akong suot ngayon? Nanginginig kong hinawakan ang kumot na nasa ibabaw ko. Parang ayokong tumingin sa baba. Paano kung wala rin akong suot? Ibig sabihin?!---WAAAA!

Pumikit ako at nagdasal na sana nakasuot pa rin ako ng damit ko. Lord, please naman po.

Nakayuko na ako. Imumulat ko na lang ang mata ko para makita kung may saplot pa ba ako o wala. Isa....dalawa.......tatlo....

Binuksan ko ang mga mata ko at...

"YEEEEESSSSS!!! THANK YOU LORD!!!"

Halos magtatalon na ako sa kama ko-- I mean kama niya nang may makita pa akong damit ko sa itaas at baba. Woo! Ligtas ako! Walang nangyari!

Para tuloy akong nakaligtas sa pagkakahigop ng Bermuda Triangle. Ang saya ko! Woo!

Pero nakakahiya pa rin! Nandito pa rin 'yung pangamba ko. Paano kung may nakakita sa amin sa ganung posisyon? Yakap pa nman niya ako! Paano kung maid ang nakakita tapos isumbong kay Ma'am Hanna tapos mag isip sila ng kung ano lalo na si Gaga tapos palayasin ako? 'Di 'yun pede!

Inalis ko na lang 'yung mga iniisip ko at nag-inat bago tumayo. Itinaas ko 'yung kamay ko para sana hampasin si DM para makaganti pero hindi ko na lang itinuloy kasi ako naman ang may kasalanan na aksidenteng nakapasok sa kwarto niya. 'Wag kasi ako ang sisihin niyo, sisihin niyo si Mr. Antok na ang aga akong binisita.

Wala naman akong gagawin dito. Lalabas na lang ako.

Pero bago 'yon, tiningnan ko ulit si DM na natutulog. Sinadya niya kaya 'yun? Bakit kasi hindi man lang niya ako ginising at sabihing namali ako ng pasok ng kwarto para naman makaalis ako agad! Ayan tuloy, Waaaah! Nakakahiya!

You're My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon