twenty-five

165 8 51
                                    

Cha's POV

Oh my god.

Hala! Hindi ko na natapos 'yung sasabihin ko kasi bigla na lang akong na-out balance dahilan ng pagkatumba ko sa sahig. Argh! This is so embarrassing! Nakakahiya lalo na't si DM ang kaharap ko ngayon.

"Wait, did you just--"

"Nakakainis ka! Tulungan mo akong makatayo dito!" Medyo nauna kasing naglanding sa sahig 'yung ankle ko kaya medyo masakit. Oo, medyo lang. Matapang kasi ako. Matapang na maganda. Astig diba?

"Hoy! Sabi ko tulungan mo 'ko!" sigaw ko ulit sa kanya nang mapansin kong wala na sa akin 'yung atensyon niya kundi doon sa alcohol na tinapon niya na sa trash can. "HOY!"

"Ano?"

"Patayuin mo ako!"

"Ha? Ikaw? Papatayuin ko? Yuck, marumi kaya 'yang kamay mo. Kadiri. Weak pa. Tumayo lang hindi pa kaya. Tayo ka diyan mag-isa mo," akmang lalabas na siya nang pinto nang may sinabi ako na nagpalingon naman sa kanya dito.

"Crush mo siguro ako at natatakot kang maglabas ng kilig kaya ayaw mong hawakan 'tong kamay ko? Ayiee! Crush pala ako ni DM!" Nakasalampak pa rin ako sa sahig habang sinasabi ko 'yun.

Lumapit siya at inabot 'yung kamay ko habang nakangisi. 'Yung nakakairitang ngiti na ilang dekada ko nang kinamumuhian. Dahil kung walang meaning na nakakaloko 'yun, may malisya naman.

Hay nako, "Ikaw ata ang crush ako eh. Gustung-gusto mong mag-holding hands tayo."

Nag-make face lang ako at inabot rin 'yung kamay niya, "Kadiri ka."

"Ang panget mo talaga. Naiinis ako sa mukha mong napakapangit. Ipaparetoke na lang kita. Mukha kang alien."

Babawian ko na sana siya dahil nainis ako dun sa sinabi niya kaya lang biglang bumukas 'yung pinto pagkatayo ko.

Nagulat na lang ako doon at hindi ko namalayang si Gaga pala 'yung pumasok sa kwarto.

Awkward.

Nakatingin lang siya sa amin dalawa ni DM pero pokerface lang. Teka...kung sa amin siya nakatingin, bakit wala siyang reaction? Bakit kasi ang seryoso niya? Dead air tuloy. Ang tahimik.

"Kamay mo kasi hindi mo tinanggal. Selos lang 'yan, 'di ka naman kakainin." Natauhan ako dun sa sinabi ni DM. Napansin ko ring nakatingin pala si Gaga sa kamay naming dalawa kaya ngumiti lang ako ng pilit sa kanya. Ang awkward talaga.

"Kamay mo."

"Ay oo nga pala! Sorry!" Inalis ko na 'yung hawak ko sa hand niya tapos umiwas na ng tingin sa amin si Gaga. Duniretso siya sa may study table ni DM tapos may kinuha dun.

"Dapat ni-lock niyo na lang. Nakaistorbo pa ata ako sa paglalandian niyo," sabi niya bago lumabas kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Huy! Anong naglalandian?! Hindi ah!" sigaw ko pero mukhang nakalayo na siya. Kainis naman! Iba pa 'yung naisip niya. Hindi naman kami naglalandian eh! Kainis talaga!

"Gago ka palang magselos eh! Masyadong obvious! Napakabakla mo! Kaya pala hindi ka marunong manligaw kasi ganyan ugali mo! Dapat gayahin mo ako na cool kapag nanliligaw. Ang panget mo pa tapos ang laki ng--" sigaw rin naman ni DM pero pinigilan ko siya. Ang sama niya talaga! Grabe yung sinasabi niya kay Gaga! Kala ko ba best friends sila?

"Huy nakakasakit ka na!" pigil ko.

"Anong nakakasakit wala akong ginagawa sayo! Hindi naman kita sinasaktan ah? Pinagtatanggol mo na naman 'yang ugok na 'yan! Magsama nga kayo," tapos umalis na rin siya.

You're My EnemyWhere stories live. Discover now