twenty-two

200 10 74
                                    

Chapter 22

Pilit kong iminulat ang mga mata ko kahit na sa tingin ko, ang bigat bigat ng pakiramdam ko ngayon. Parang galing lang ako sa isang giyera at natalo kami dahil ang sama talaga ng pakiramdam ko. Kung hindi ko lang sana naalalang may pasok pa kami baka ipinagpatuloy ko na lang ang pagtulog ko.

At isa pa, wala na akong maalalang nangyari kagabi. Ang naaalala ko lang, sinama ako ni Rence sa isang bar at nalasing ako tapos sayaw raw ako nang sayaw. Pagkatapos nun, wala na akong maalala pa.

Gusto ko pang pumikit, pero alam kong may gagawin pa ako kaya idinilat ko na lang ang mga mata ko. Ang nakapagtataka, bakit wala na ako sa bar? At paano ako napunta dito sa kinaroroonan ko ngayon kung saan may mga nakasabit na mga posters ng iba't-ibang banda sa kisame? ang malala si Jimmy Neutron pa at si Patrick ng Spongebob pa ang ilang nakasabit.

Kahit hinang-hina ako ngayon, hindi pa rin nawawala ang sakit ko. Which is curiosity, kaya napatingin ako sa tabi ko. Napagalaman kong nasa isang kama ako ngayon at wala akong katabi.

Lumingon naman ako sa isang gilid ko at pareho lang rin, isang unan na may design na isang dragon at ang makapal na kumot at bedsheet. Ang ipinagkaiba nga lang, may isang sofa at may nakaupong isang lalake doon hawak-hawak ang isang cellphone. Ewan ko PSP yata yun.

Natatakpan ng kamay at PSP ang mukha niya kaya hindi ko siya mamukhaan. Mukha ngang walang siyang balak na tingnan o lingunin man lang ako eh, Isa pa, hindi pamilyar ang kwartong ito sa akin. First time ko pa nga lang dito, eh. Ewan ko rin kung paano ako napunta dito eh ang huli ko lang na naalala ay ang pagpunta namin sa bar.

Dahil hinang-hina ako, hindi muna ako nag-hysterical o nag-react ng kung ano ano gaya hindi tulad ng mga pinaggagagawa ko dati kahit gustung-gusto ko na talagang malaman kung sino ang lalakeng 'yon.

Pilit akong umupo at tumingin sa paligid. May nakita akong isang Spongebob na stuffed toy kaya kinuha ko yun agad at ibinato doon sa lalake.

"Ouch!" sabi niya kaya napakunot-noo na lamang ako. Hindi kasi pamilyar sa akin masyado ang boses na 'yun at sa tingin ko minsan ko pa lang itong naririnig.

"Maka-ouch ka naman. Ang lambot na nga niyan nasaktan ka pa? Tch," sagot ko naman sa kanya habang kinukusot ang mg mata ko. Ang labo na kasi. Inantok pa nga kasi ako.

"Tss," sabi niya naman kaya napatigil ako. Kilala ko kung kaninong 'tss' 'yon!

Nanlalaki ang mga mata ko habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. Hindi na siya nagp-PSP ngayon at seryoso lang na nakatingin sa akin. Hindi ko nga lang ma-gets kung ano ang meaning ng tingin na yun

"D-dada--- I mean D-darey bakit ka nandito?!" Parang nawala ang lahat ng panghihina at antok ko kanina nang makita ko siyang walang kaekspre-ekspresiyon sa mukha. Sanay na ako sa pagsusungit niya pero nakakatakot siya ngayon. Yep, wala namang galit sa mukha niya ngayon at wala naman akong matandaang inano ko siya pero...urgh. Ewan ko kung bakit pero nakakatakot talaga siya.

"What?"

"B-bakit ka nandito?!" tanong ko agad. Tinitigan niya lang ulit ako nang bored at kumibit-balikat.

Teka...bakit nga kasi siya nandito?!

"Do I still have to explain everything? Wala ka ba talagang maalala?" cool-slash-cold na tanong niya sabay balik sa pagkakaupo niya kanina.

"W-wala eh..." nakayuko kong sagot.

"Fine. I went to the bar last night to fetch Kuya. And then I saw you laying on the floor of the CR. Kadiri ka nga, eh. May mga suka 'yang damit mo at isang tingin pa lang malalaman mo nang lasing ka nga."

You're My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon