thirty-five

55 6 45
                                    

"WOOOO!!! PARTY!!!" sabay-sabay nilang sigaw pagkapasok sa mansyon. Dito muna nila napagdesisyunan na magcelebrate tutal ito raw yung 'pinakamalaking mansyon' sa kanilang mga members ng Reflection. Tingnan niyo yun, lahat sila halatang mga rich kid.

"HINDI KO YUN INASAHAN TANG*NA!" sigaw ni Michael habang kumukuha ng beer sa may ref. Hala! Iinom ba sila?

"Anong gagawin niyo?" tanong ko habang umuupo sa may sofa para magpahinga.

"Iinom, gusto mo?" inabot niya sa akin yung isa pero umiling ako. Ang bata ko pa po mga ate at kuya.

"Matulog ka na," nagulat ako nang biglang may bumulong sa likod ko. Si Gaga. "Baka ma-rape pa kita kapag nalasing ako."

"H-ha?" pinipigilan kong hindi mamula lalo na nung lumaklak siya ng beer. Shet naman.

Tinalikuran niya ako habang pagewang-gewang pa. Lasing na agad siya? Kararating lang namin eh. At saka, hindi ako sanay na umiinom siya. Ito na naman sa expectations ko. Akala ko isa siyang ultimate good boy.

Hindi ko na nakita si Hailey pagkauwi namin. Nauna na raw silang umuwi kasi inaantok na siya. Dumating na rin yung mga barkada nina DM. Parami nang parami mga tao dito. Halos lahat sila mga lalaki. Akyat na nga ako.

"Teka lang Cha!" may humawak sa braso ko, si Michael.

"Bakit?"

"Hindi ka iinom?"

"Hindi, hindi ako umiinom. Bata pa lang ako. Ikaw rin naman diba?"

"Bata? HAHA! Matanda na ako. 18 na ako. Kaka-debut ko lang nung nakaraang February. Hihi!" Nagpout pa siya. "Sige alis na ako. Matulog ka na kasi--- UY GUYS! TARA DITO INOM TAYO! WAHAHAHAHAHA!"

Napangiwi na lang ako. Iba na talaga ang mga lalaki kapag lasing. At teka lang, nasaan si DM? Ico-congratulate ko siya. Pati si Gaga hindi ko na makita. Siguro napagod silang dalawa kakasigaw kanina sa sobrang saya. Pati sa sasakyan maingay sila. Sa kanila na ako nakasakay kahit puro lalaki kasama ko. Wala na kasi si Hailey, eh. Tapos umalis na rin agad si Dada. Ewan ko nga rin kung saan yun napunta.

Umakyat na lang ako at dahil nga katapat ko ng kwarto sina Gaga, naabutan kong nakabukas yung pintuan niya. Sumilip ako dun at hindi agad ako nakapagsalita sa nakita ko. Sa sobrang gulat ko nasara ko nang malakas yung pinto.

Si Dada...may kahalikang babae.

Ano ang irereact ko dun? Pareho lang ang naramdaman ko nung nahuli ko si Gaga na nakikipaglaplapan sa isang babae. Tama na. Ayoko nang umasa na matino silang magkapatid. Lahat pala tayo may kanya-kanyang flaws. Hindi dapat ako nag-expect na perfect sila.

Tumalikod na lang ako. Dapat hindi na ako maninibago sa kanila from now on. Tama nga si Gaga nung nagalit siya sa akin for the first time--hindi ko sila ganun kilala.

Gusto kong makita si DM. Agad akong pumunta sa kwarto niya. Dahan-dahan kong binuksan yung pintuan at nakita ko siyang nakaupo sa kama niya at naggigitara. Phew. Buti naman at wala siyang kahalikang babae. Kung ganun--- wala. Wala talaga.

Sa tingin ko nakagawa ako ng ingay sa pagbukas ko nung pinto kaya napatingin siya sa akin. Nabigla ako kaya sinara ko rin agad yung pinto. Bakit ganito? Tiningnan niya lang naman ako diba? Bakit ganito na agad yung dibdib ko. Kainis!

Hindi pa ako nakakaalis sa pwesto ko nang buksan niya yung pinto. Nagtama yung mga mata namin tapos sumenyas siya na sumunod ako.

"H-huh?"

"Sama ka sa 'kin sa loob. Wag ka munang aalis."

Hala na naman. Bakit ako kinakabahan? Wala naman siyang gagawin sa akin. Tama, tama. Wala siyang gagawin sa akin. Baka may iuutos lang siya. Tama. Kung may masama man siyang gagawin--argh! Bakit ba kasi ako susunod?!

You're My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon