Disabled

33 1 0
                                    

Just for your info, guys, En Jae's POV and Third person's POV is just the same. Depende lang sa mood ko habang nagsusulat kaya ganun :*

Third person's POV

"Wala ka ba talagang tiwala sa akin?! I mean-- sa amin?!" pilit na pagpipigil ni Cheng sa pinsan na si Cha na hindi nakikinig sa kanya. Seryoso at tahimik lamang nitong tinatahak nang mabilis ang mga pasilyo ng ospital na para bang alam na alam ang bawat sulok nito. Maging si Cheng ay hindi namamalayan na sobrang bilis na pala ng paglalakad niya--- pati na rin ang pagsasalita niya para lamang pigilan si Cha.

"Cha! Makinig ka naman!"

"Huuuuy!"

"Ano ba?!" Hinihingal na hinablot ni Cha mula sa mahigpit na hawak ni Cheng ang kanyang kamay at sinamaan ito ng tingin. "Bakit ba ayaw mong ako mismo ang makita ang dati naming kwarto? Siguro tama ang hinala kong nagsisinungaling lang kayo!"

"No! Of course not. Pero kailangan na talaga nating umalis. Kung hindi ka susunod, masasaktan ka lang! Nangangako ako sa 'yo! Promise!"

"I still don't believe you kahit pinsan pa kita," mariin na sambit ni Cha kaya mistulang napagod na si Cheng sa kakapigil dito. Isa na rin sa mga dahilan ng pagsuko niya ay dahil sa masasakit na salitang ibinabato sa kanya ng pinsan kanina pa.

"Okay fine," wika nito at huminto sa paglalakad. Huminto rin si Cha at napatingin sa kanya. "Ituturo ko na sa 'yo ang rooms na 'yon. But don't tell me I didn't warn you."

At kung kanina ay si Cha ang nauunang maglakad, ngayon naman ay siya na---at hila-hila niya si Cha.

Mabilis silang nakarating sa 3rd floor, again, without using the elevator. Pero hindi alintana ng dalawa iyon, lalo na si Cha. Pinuntahan nila ang dating room ni DM, na katabi lamang ng dating room ni Cha.

Nasa tapat sila ng R-456, ang dating room na kinaroroonan ni DM na ngayon ay hindi na, ayon kay Cheng.

"Huminga ka ng malalim, tapos ikaw mismo ang sumilip sa loob," sabi ni Cheng kay Cha at sinenyasan itong tumuloy sa loob. Ginawa naman ito ni Cha at saka dahan-dahang binuksan ang pinto nang hindi kumakatok.

Lumingon kay Cheng si Cha na may lungkot sa mga mata nito. "E 'di ba sabi ko, wala?" sabi ni Cheng.

"Sigurado ka bang dito 'yun? Baka naman ibang room 'to."

"Sure ako d'yan. Kasama ako nang sunduin ka dito. Tandang-tanda ko pa ang kwarto 'to, dito rin nakipagsigawan ang Mama mo dun sa Mama ni... Uhm.. DM. Tss."

Bumagsak ang balikat ni Cha at suminghot na para bang naiiyak. "E dito sa kabila?" turo nito sa R-457 na katabi lamang ng kwarto ni DM dati.

Nanlaki noong una ang mga mata ni Cheng at pipigilan sana si Cha ngunit hindi siya tumuloy at umiwas lamang ng tingin. "Yan ang room mo dati... Pero iba na ang nandyan ngayon. At para hindi mo ako matawag na KJ, hahayaan kitang makapasok d'yan. But, it's your own decision kung handa ka bang masaktan or not."

"Bakit naman ako masasaktan? May bangkay ba d'yan?" dire-diretsong tanong ni Cha. And with that thought, nanlaki ang mga mata niya at dali-daling pinasok ang kwartong iyon. At laking gulat niya nga nang makita kung sino ang nasa loob ng private room na ito.

"Weirdo?"

***

Cha's POV

Napatingala si Weirdo na nakasakay sa isang wheel chair mula sa pagbabasa ng isang comic book. Tiningnan niya ako nang naguguluhan with that 'paano-mo-ako-nakikala' look. Nagkatinginan kaming dalawa ng mga 7 seconds tapos umiwas na siya ng tingin sa akin na para bang kahapon lang kami nagkita. Tumingin siya sa likuran ko kaya napatingin rin ako dito. Nakita ko si Erine na nakapasok rin pala at sumunod sa akin. Pero bakit mas matagal silang nagkatinginan ni Weirdo? Matagal na ba silang magkakilala?

You're My EnemyWhere stories live. Discover now