forty-two [part one]

32 2 0
                                    

Cha's POV

Kanina pa tawag nang tawag at text nang text si DM. Pero kanina ko pa rin ini-end at hindi nirereplyan ang mga calls at messages niya. Kainis naman kasi! Hindi niya ba alam na may klase kami dito?! Kanina pa vibrate nang vibrate 'tong cellphone ko. Useless rin naman ang pag-silent ko dito kasi nagva-vibrate pa rin! At hindi 'yun tumitigil! Kupal talaga ng lalaking 'to! Gustung-gusto niya akong pahirapan!

"Mag-off ka! Mag-off ka! Arrgghh!" gigil na gigil na bulong ko, na pasigaw, sa cellphone ko. Halos masira na nga 'yung screen sa kapipindot ko ng 'Power Off' button pero ayaw talaga. Ano ba naman 'tong bigay ni DM! Peke! Ayaw mag-off! Ano 'to hihintayin ko pang mag-low battery? Eh full charged pa nga eh! Kanina pa rin 'to 100% since nung galing ako sa mansion. Kanina ko pa rin 'to ginagamit pero ayaw talagang mabawasan ang battery! Paano na 'yan ngayon? Hindi ako makapag-concentrate sa klase namin idagdag mo pa na wala si Erine dito dahil inutusan siya ng principal!

Kung hindi lang talaga mahal 'tong cellphone na 'to kanina ko pa 'to naitapon. Pero sayang eh, mahal pa naman. Pero baka peke nga? Hindi na kasi ako makakinig sa discussion ni Ma'am dahil dito. Vibrate nang vibrate! Kung pwede lang sanang i-off eh. Pero ayaw ngang mag-off! Kulang na lang iabot ko 'to dito sa bago kong seatmate para siya na ang magtago nito sa bag niya. Pero hindi rin pwede kasi hindi ko naman siya agad na masasabing napagkakatiwalaan. Trust no one. At tinatamong niyo kung bakit hindiko na lang ilagay sa sarili kong bag? Na-try ko na 'yang gawin kanina dahil sa non-stop vibration dito sa bulsa ko pero pati bag ko nagva-vibrate! At maingay pa! Nilapag ko na 'tong bag ko sa sahig kanina pero bawal pala kaya ayun, inabot pa ako ng sermon ng teacher namin.

"Charys, sagutin mo naman na 'yang tumatawag sa 'yo. O nagte-text. Kanina pa 'yan ha. Mukhang pinipigilan mo kang ang sarili mong sagutin 'yan. Huwag kang mag-alala dahil hindi naman bawal mag-text dito kapag emergency. Ang bawal lang ay 'yung text na walang sense dahil ayaw mo lang talagang makinig sa teacher. Pero ikaw kanina mo pa pinipilit na makinig sa akin at sagabal lang ang tawag na 'yan. Pwede mo nang sagutin kasi baka emergency. Kanina ka pa kasi hindi mapakali eh. Baka naman boyfriend mo na gustong makipag-date. Again, sagutin mo na. Sabihin mo mamaya na lang dahil may klase pa tayo sa Physics." Kasabay ng pagkasabi niya nun ang bulungan ng mga kaklase namin. Napabuntong-hininga na lang ako at the same time hinga nang maluwag. Akala ko kasi papagalitan ako. 'Yun pala nagsingit pa ng topic tungkol sa boyfriend/love life. Sa ganyan kasi active ang mga kaklase ko, eh. Ayan tuloy biglang umingay ang room.

"Sino 'yan, ha, Cha? Si Kuya Garey? 'Yung nasa upper year?"

"Mali! Baka naman si Harren?"

"Don't tell me si Sir Rence 'yan?"

"Not imposible. Ang ganda kaya ni Cha. At napaka-talented pa. Imposibleng isa sa mga sikat na campus heartthrobs rin dito ang nagkakagusto sa kanya or maybe...baka isa sa kanila ang boyfriend ni Cha."

Marami pa akong narinigna mga bulungan at halos umiikot lang ang lahat ng nga hinala nila doon sa tatlo. Kilala niyo na sila. Napahawak na lang ako nang mahigpit sa bag ko habang inilalabas ang cellphone ko saka ngumiti nang pilit.

Ano ba kasing problema ng mga tao ngayon? Eh soon-to-boyfriend ko pa lang naman si DM ah? Bakit masyado silang excited?

Tumayo na lang ako and mouthed 'thank you' kay Ma'am na binigyan ako ng pagkakataon na masagot ang walang tigil na mga tawag at texts ni DM. Sure akong siya lahat 'yun dahil puro caller picture/I.D niya ang lumilitaw sa lockscreen ko. Ano na naman kaya ang problema ng lalaking 'to? Hindi ba siya pumasok? Kasi for sure, kung pumasok nga siya, may klase rin sila ngayon at wala siyang time para tumawag sa akin. Imposible rin namang si Gaga ito dahil hindi na ako tinatawagan ni tinitext nun.

You're My EnemyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ