C h a p t e r 4 7

30 4 0
                                    

"Gavin!"


My tears fell down automatically.

Sobrang natakot ako sa ginawa niya! Naalala ko 'yong gabi na may sumusunod sa akin.

Nakita ko rin ang gulat sa itsura nito. Parang nataranta sa ginawa niyang kalokohan. Para akong nawalan ng lakas. Parang mawawala sa ulirat, kaagad ako nitong kinabig papalapit sa kanyang dibdib. Hindi ko na lang napigilan ang mga luha ko.

Buti na lang at nasa parking lot na kami kaya hindi na gaanong marami ang tao.


"Shhh. Don't cry, Princess. I'm sorry. Did I scare you?" bulong nito sa aking tainga.


Did his lips stick to my ear while whispering? Shit!

No! No! No! What am I thinking? My hair stood on end at the thought.

Baka pawis lang niya! Shit! Ano ba itong naiisip ko?!


Tumangu-tango ako. Aalisin ko na sana ang ulo ko sa pagkakasandal sa kanya ngunit hawak nito ang aking ulo.


"Anong nangyari?" tila may pag-aalalang tanong ni Tristan.


"Gav!" sigaw ni Reed.


"I told you, he'll come."


Ramdam ko na ang saya nila sa paligid pagkakita kay Gavin. Ramdam ko rin na lahat sila ay nakatingin sa amin ngayon. Pero hindi pa rin ako nito binibitawan. Nakasandal pa rin ako sa dibdib nito.


"We're just talking. Go ahead."



Naririnig ko ang mga kaibigan ko na tila kinikilig. Ang mga impit na tinig na tila sinisilihan.


"Sana all, ganiyan palagi mag-usap!" impit ni Trixie na sinasabayan rin ni Macy ng tili.


Sumitsit naman si Shane, "Ano ba kayo, tigilan niyo 'yan!" sabi nito para patigilin ang mga ito.


Ilang saglit lang ay lumayo na ang mga boses.


"I'm sorry. Please. Shush now, Princess. I'm sorry, I didn't mean to scare you." hawak lang ako nito sa aking ulo habang nakasandal sa kanya. Hindi natitinag.


Nag angat ako ng paningin at nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin ang mga kaibigan namin amin. Hindi ko tuloy maiangat ng maayos ang ulo ko dahil makikita nila na umiiyak ako. Gusto kong hawiin ang mga luha kaso makikita nilang lahat. Baka iba pa ang maging kahulugan. Hindi ko malaman kung tatalikod ba ako, o tatakbo o kung ano para lang makaiwas sa kanila.


Siguro ay naramdaman ito ni Gavin kaya ibinaling nito ang sarili patalikod sa mga kaibigan, natatakpan na niya ako sa laki ng kanyang katawan. Ipinagpasalamat ko ang ginawa niya at malaya ko ng maiaangat ang aking mukha.


"Are you mad?"


Umiling ako saka yumukong muli. Hindi ako galit. Sadyang mababaw lang ang luha ko at saka natakot talaga ako sa ginawa niya at saka...

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now