C h a p t e r 5 1

6 1 0
                                    


GAVIN's POV

"Ilagay mo diyan sa may table 'to!"

"Ilan bang iihawin ko nito?"

"Maglabas ka ng blanket para sa mga girls, Reed."

"Ilabas mo 'yan para kay Gavin, mamaya."

"Nasaan ba 'yon?"

"Tulog, huwag mong gisingin."

Akala ko ay nananaginip ako, pero totoong mga boses pala ng mga kaibigan ko ang naririnig ko. Nakatulog pala ako dito sa duyan sa ilalim ng mga puno ng hindi ko namamalayan. Sobrang lamig ng hangin at malilim!

Everyone's preparing for the night party for Reed. Lahat sila ay busy sa pag-aasikaso ng mga pagkain at inumin para mamaya.

Napagod ako sa mga ginawa namin kanina. Ang aga pa namang gumising. I'm not an adventurous type of person, though. Well, I'm trying right now because my friends are all active for heaven's sake!

Parang hindi pa nauubos ang energy nilang lahat! They're still chatting, playing around, preparing and so on! I can't even catch up.

Minsan nga, may mga napag-uusapan sila sa harapan ko na walang wala talaga akong ideya. Siguro dahil tulog ako, or what.

I just want to sleep.

Well , I guess that's my hobby.

When I'm with them, I can sleep enough rather than being alone. Nightmares usually occur when I am by myself. That is why I lacked sleep.

But right now, I fell asleep because I have to admit that I enjoyed this day. Never been this tired. Though my morning was not so good because of Madison asking me about why I was gone. But, I can't take seeing her sad, because of my attitude so I talked to her.

Then the whole day was all about her and I laughed so hard.

Feeling ko nga ay na-stretch ang mga muscles ko sa mukha kakatawa.

"Ano ba? Marunong kaya ako nito!" she exclaimed.

I look around to see the owner of that voice.

"Ako na kasi Miss President." awat ni Evan rito dahil ito ang nagbabantay sa iniihaw. "Baka mapaso ka pa. Tristan, pagalitan mo nga itong si Miss!" sumbong ni Evan kay Tristan.

Natawa naman ang iba dahil hindi nagpapaawat si Madison.

Napangiti rin ako habang pinagmamasdan ko ito.

Nakapagpalit na ito ng damit. Naka-white off shoulder beach dress ito na hanggang tuhod. Nakalugay ang buhok.

The reason why I get to have a good laugh today.

Madison Kaylee...

We've been together the whole day before I got here in this duyan.

After the ATV ride with our friends. Hindi ko man gustong mag ATV, napasakay na rin ako dahil si Madison, excited na excited.

I even remember she wanted to be alone riding the ATV.

"Ako na lang dito mag-isa." napakalawak ng pagkakangiti nito.

"Sure ka, Maddy?" tanong pa ni Shane. "Marunong ka?"

Nagthumbs up ito at sumakay sa ATV.

Walang nagawa ang mga kaibigan ko. Maging ako ay wala ring nagawa kaya sinundan ko na lang siya.

I followed her and my friends. Nasa hulihan ako, nasa pangalawa sa huli si Madison. Makikita naman na marunong ito. Kaya bandang huli ay naging kampante na rin ako.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now