C h a p t e r 6 9

15 1 0
                                    

"I can't... I'm with Madison Kaylee..."


Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko! Tinitigan ko ito pero hindi naman ito nakatingin sa akin dahil busy ito sa cellphone niya.


Umapaw ang notifications ng cellphone ko sa dami ng mensahe mula sa group chat.

Our friends teased us online.


"Whoooot! Whooot! Kaya pala hindi makakapunta dito!"


"Ibang level na talaga!"


"Iba talaga kapag magkapitbahay!"


"Sana all!"


Hindi na ako nakasingit at nakapagchat pa sa dami pa ng kanilang mga sinabi.


Sumilip pa si Sean sa terrace dahil sa usapan sa group chat.


Ilang sandali pa ay may picture na naming dalawa ni Gavin galing dito. Nag-picture ito at si-nend sa aming group chat.


"Ay, akala ko magkasama sa loob ng bahay!"


"Nasa terrace lang naman pala!"


"@Sean, arat na!"


"Iwan mo na 'yang dalawa d'yan, @Sean. Huwag ka nang mag-third wheel."


Napahilamos na lang ako sa mukha sa mga mensaheng nababasa ko. Tila aliw na aliw naman si Gavin sa nababasa niya habang hawak hawak ang gitara.


The only thing that I can do to make them quiet is not answer them. Kapag nagsalita pa ako, for sure mas lalo lang silang mag-iingay sa group chat.


Nang bumalik si Gavin sa paggigitara ay tinigilan ko na rin ang pagbabasa sa group chat at nakinig na lang akong muli sa tinutugtog nito.


Parang trip nito ngayon ang mga kanta ni Ed.


Napapasabay tuloy ako sa tugtog nito.


Napayakap ako sa aking sarili dahil sa ihip ng malamig na hangin. Nawala sa isip ko na kuhanin ang jacket ko bago lumabas ng terrace.


Naka-hoodie si Gavin at naka jogging pants kaya mukhang hindi ito nilalamig.


"You should go back inside..." sabi nito sa akin. "It's cold."


"Ayos lang, Gavin..." sabi ko rito.


"Late na rin..." ibinaba nito ang gitara.


Papasok na ba ito sa loob?


"Hmm... okay. Good night, Gavin." sabi ko rito kahit gusto ko pa sana'ng mag-stay at makinig sa pagtugtog niya.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon