C h a p t e r 6 0

9 0 0
                                    


"Dito na lang po 'yan, Kuya." sabi ko sa isang personnel ng OPR.



"Ayan po, dito."


"Miss President, saan ito?" tanong ni Arkin na bitbit ang isang painting. Pati kasi sila ay nandito rin para tumulong maglipat.


"Sa kwarto na lang 'yan, Ark!" sabi ko rito.


Lahat sila ay busy magbuhat at mag-akyat panaog sa elevator, maliban sa isa. Ewan ko ba naman bakit nandito pa ito, pero mukhang siya ang supervisor dito.


"Gavin, tumulong ka kaya?" reklamo ni Reed.


Nakaupo ito sa kitchen counter at pinagmamasdan lang kaming lahat sa pag-ikot ikot dito sa loob ng unit.


Tumitig lang ito.


As usual, Gavin wants to be here because he wants to see people. But he doesn't want any interactions kaya nasa sulok lang ito.


Napangiti ako.


Mas okay kasi siya kapag hindi marami ang tao. Like minsan, kapag kaming dalawa lang or kapag ang barkada lang. Since, may ibang tao kuntento na itong maupo na lang.


"Hayaan mo na si Gav," saway naman ni Tristan kay Reed.


Natawa ako sa reaksyon ni Reed.


"Magpahinga muna kayo," sabi ko sa mga ito.


Hindi pa naman marami ang hahakutin sa totoo lang. Makulit lang talaga ang mga ito na magprisinta sa pagbubuhat. Na-excite rin kasi silang makita ang unit ko.


"Maddy, I think maganda rito 'yong mga L-shaped na sofa?" suggestion ni Macy.


"Hmm, pinag-iisipan ko pa nga kung anong ilalagay ko talaga."


"Maganda rin 'yong mga classic style." sabi naman ni Shane.


"Yeah, maghahanap pa lang ako siguro tomorrow." sabi ko sa mga ito.


Parang gusto ko kasing magpa-customize kaya hindi pa ko talaga bumibili. Pinag-iisipan ko rin kung mas okay ba 'yong mga convertible into bed or 'yong mga nauusong sofa bed in case na may bisita ako.

"Everything's good?" tanong ni Kuya Maze. Dumating na pala ito.


"Yes, sir!" sagot ni Reed dito.


"I think that's the last one." turo nito sa bitbit ng personnel na katuwang namin sa pagbubuhat.


"Let's go and eat." sabi ng kapatid ko.


The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon