C h a p t e r 7 7

7 1 0
                                    

OMG!

WHAT HAPPENED?


Napahinto si Tristan sa pagtuturo sa akin ng piano. Nagkatinginan na lang kaming dalawa dahil sa pag-walk out ni Gavin.


"Tan, lagot ka!" sabi ni Reed paglapit nito sa amin. Kasunuran din nito si Evan at Arkin.


"Students, please go back to your seats muna." sabi ko sa mga bata at isa isa naman itong nagsilayo sa amin.


Masinsinan kaming nag-uusap. Mahinahon lang at may kahinaan ang boses. Nakaagaw ng atensyon ang paglabas ni Gavin. Ayaw naman namin na mabigyan ng ibang kahulugan ang pangyayari.


"Ano'ng nangyari?" tanong ni Tristan.


"We think Gavin's got jealous." natatawa habang napapakamot sa ulong sabi ni Arkin.


"We were practicing there." turo ni Reed sa drums.


"Hawak niya 'yong drumsticks then, eventually he became irritated. Nakatingin siya sa inyong dalawa." saad ni Evan.


"Parang mababali 'yong drumsticks ko kanina." sabi ni Reed.


Para silang mga bata na nagna-narrate ng mga pangyayari.


Bakit naman siya magseselos?

Wala namang dapat ipagselos.


"I'll talk to him." sabi ni Tristan.


"Wait..." awat ko rito.


Napatingin silang lahat.


"Bakit, Miss? Baka umuwi si Gavin... baka hindi na bumalik..." sabi ni Reed.


"Baka hindi naman 'yon ang dahilan. Malay niyo nagpunta lang siya ng CR."


"Miss President, nakita namin 'yong inis niya habang nakatingin sa inyong dalawa ni Tan. Hindi naman sa pag-aassume pero we know that he likes you." sabi Evan.


Napatingin ako kay Tristan.


"Gavin's a jealous guy." sabi ni Tristan. "Hindi ko naisip na magseselos siya because of my actions. I don't have the intention of doing that."


Saka pa lang ako naniwala na nagseselos si Gavin.


Sh*t! Unang beses ko yatang naranasan na may magselos. Si Grant, hindi nagseselos 'yon sa lahat ng bagay kahit makita ako nito na may kausap. Kahit may mga natatanggap akong mga gifts from other guys, wala siyang reaksyon.


Si Gavin, hindi ko naman siya boyfriend. He confessed his feelings, yes pero hindi naman guaranteed that we are in a relationship already. Sinabi niya rin na hindi siya nagmamadali sa magiging sagot ko sa kanya.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now