C h a p t e r 9 7

7 1 0
                                    

Hindi ko alam bakit ako naiiyak sa nangyari. Naguguluhan na ako sa sarili ko! Sobrang naninikip ang dibdib ko at nahihirapan na rin akong huminga dahil sa pagpipigil ko na umiyak ng malakas.


Bakit? Bakit ko nararamdaman ito?


"Sino ba kasi ang babaeng 'yon?" saad ko sa kabila ng pag-iyak. Nagtungo na ako sa banyo para maghilamos pero patuloy pa rin ang pag-agos ng mainit na likido mula sa aking mga mata.


"Maiintindihan ko naman kung nagsabi siya kung nasaan siya... Mahirap bang magsabi kung saan pupunta? Kung sino ang kasama? Kung ano ang ginawa?" pagmamaktol ko. "Bakit nga ba ako nag-eexpect na magsasabi siya ng whereabouts nya, wala namang kami." biglang bawi ko sa lahat nang una kong sinabi.


Bago pa lalong sumama ang loob ko, pinatay ko na lang ang cellphone ko para hindi ko na tingnan pa kung sinuman ang mag-tetext o mag-chachat. Hindi na rin naman siguro tatawag si Kuya Maze dahil galing na ako doon kanina.


Nagpasya na akong humiga ng maaga at matulog na lang. Kung sakaling babalik siya bukas ay saka ko na lang siya kakausapin. Ayaw ko nang mag-isip ng kahit ano pa! Gusto kong hintayin ang paliwanag mula sa kaniya.


Sabagay, ano pa ba ang paliwanag na kailangan kong marinig? Wala naman kami. Hindi kami. Hindi guaranteed na kapag gusto ka ng isang tao ay ikaw talaga.


Sinasabi ng isip ko na mas mabuting pakinggan ko siya. Maaaring kapatid, pinsan o kamag-anak niya ang sumagot sa cellphone niya. Pero bakit naman kasi sasagutin kung hindi para sa kanila ang tawag?


Part of me ay natatakot ang katotohanan. What if hindi niya kamag-anak? What if may girlfriend pala talaga siya?


"Madison Kaylee..." sabunot ko sa aking sarili. Naguguluhan na ako!


Pabagsak ko'ng itinapon ang sarili sa kama. Ayaw kumalma ng isip ko.


"Sana hindi ko na lang sinubukang tawagan siya ulit kanina." naiiyak na naman ako sa naalala.


Ito ba 'yong kapalit ng masayang bonding namin kagabi?


Sama ng loob ang ibinaon ko sa pagtulog.


"Jusmiyo! Kailan ba tayo matatapos sa ganitong issue, Grant!" sigaw ko.


"Ikaw lang naman ang nag-iisip ng kung anu-ano, Mads." ganting sigaw nito. "Wala akong ginagawang masama."

"Madalas kayong magkasama! Madalas kayong magka-chat. Ano'ng ie-expect mong iisipin ko, sige nga? Ang gusto ko lang magsabi ka nang totoo!" nag-uumpisa na namang maglaglagan ang mga luha sa mata ko.


Pang ilang beses ko na bang kinompronta si Grant tungkol sa pagkakaroon ng ugnayan sa iba't ibang babae. Panibago na naman ito ngayon.


"Nababaliw ka na! Kung anu-anong iniisip mo."


The Day We Fall In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now