C h a p t e r 7 6

7 1 0
                                    

MADISON's POV


It's the second day of the event.


Nakakapagod pero worth it kapag nakita mo ang masasayang mukha ng mga estudyanteng kasama sa workshop. Ang aaga nila dumating, 30 minutes pa pero halos kompleto na ang mga bata.


Nagbi-breakfast pa kaming mga organizers kasama ang The Great sa kabilang conference room.


Si Gavin lang ang hindi kumakain, tulog na naman ito. Hindi nito ginalaw ang kanyang pagkain. Nakayuko ito sa lamesa. He's not a morning person. Alam naman ng lahat 'yon kaya hindi na namin siya inistorbo.


"Sabay ba kayo kanina?" mahinang tanong ni Evan kay Tristan. Inginunguso pa niya si Gavin.


"Yeah, para daw makatulog pa siya sa byahe." sagot ni Tristan dito.


Mukhang hindi na naman nakatulog si Gavin ng maayos o sadyang hindi lang niya kaya gumising ng maaga. Ang call time kasi namin ay 6:30 a.m. Late na sila ni Tristan dumating kaya ngayon lang din kami nakapag-breakfast.


Pagkatapos namin kumain ay nagtuturuan na naman sila kung sino ang gigising sa kaibigan nila. Natatawa pa ko sa mga itsura nito dahil natatakot na naman sila.


Tinitigan nila ako.


"Bakit ako?"


"Sige na, Miss President..." pagmamakaawa ni Reed.


Natawa na lang ako sa reaksyon nito. Tumayo ako at nilapitan si Gavin. Ano ang chance na magagalit siya kapag ginising siya?


Hindi ko alam.


Hindi ko rin alam kung matutuwa ba siya kapag ako ang nabungaran niya.


Nagkatinginan pa kami ni Tristan bago ko ito tinapik ng marahan sa braso.


"Gavin..." tawag ko sa pangalan nito.


Hindi ito natinag, mukhang tulog na tulog pa.


Niligpit na ng mga councils ang pinagkainan naming lahat at isa isa na rin silang nagsilabas.


"Miss, ikaw na ang bahala dyan kay Gav, ah." sabi pa ni Reed bago sila tuluyang lumabas at lumipat sa sa kabilang conference room.


"Gavin... wake up."


Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi nito.


"Hmm..." marahan itong gumalaw at nagdilat ng mga mata.


I smiled and greeted him, "good morning, Gavin Grey!" sabi ko rito.


He smiled back.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon