C h a p t e r 3 5

43 6 0
                                    

Gavin did not leave my side the whole event. Kahit nang kami ay tumutulong sa pagpack up ng mga ginamit sa event.


"Parang boyfriend ah!" pang-aasar pa ni Trixie.



"Ano ka ba, Trixie. Daig pa ang ex-boyfriend kamo!" dugtong pa ni Macy at humagikgik.



"Ah sabagay, lagi nga palang nasa practice ng basketball ang dating jowa."



Patuloy ang hagikgikan ng dalawa.


Well, totoo naman ang sinasabi nila. Hindi man lang mahagilap si Grant kapag may mga event ang council before. Ni hindi ito nanonood or sumuporta man lang kapag ganitong panahon. Missing in action - kung hindi nasa practice ng basketball, may bonding sila ng mga kaibigan niya.


Hindi mo ito makikita na tumutulong kapag may mga events, kahit na busy ang buong section namin para tumulong sa council.



"Ang sweet nga ni Gavin e." sabi ni Trixie. "Oh, tingnan mo, ang macho!" lumingon pa ito sa kinaroroonan ni Gavin. Buhat buhat nito ang isang box ng mga assorted decoration na iniligpit ng council.



Nagtaka pa ako kasi kanina, nakaupo lang naman ito. Ngayon ay tumutulong na rin sa pagliligpit.



"Tumigil na nga kayong dalawa, si Maddy na naman ang nakita niyo." saway ni Shane.



"Ang KJ talaga nitong si Shaney." sabi ni Macy. "Ang effort kasi ni Gavin. Parang nagbago ang ihip ng hangin bigla. Dati, parang galit na galit ito kay Maddy, ngayon naman parang ayaw nang umalis sa tabi ng friend natin."



"Ano ba kayo, huwag niyong bigyan ng malisya ang pagmamagandang loob ni Gavin." ako na ang sumaway sa mga ito. "Can't you see, the rest of them are helping too." tinuro ko pa si Reed sa mga ito na nag-de-deflate ng balloons.

Lumapit sa akin si Tristan.

"Everything's good, Maddy." sabi nito. "Sa office na lang ba?"


"Yes, sa office na lang." he is pertaining to the meeting. Every after the event, kasunod ang meeting for evaluation and assessment.



Bumalik ito sa mga kasama namin at nag-announce na dumiretso sa office.



"Wait na lang namin kayo sa parking." sabi ni Shane.



Sumulyap ako kay Gavin, and the usual, he's already looking at me. He's like asking where'd I be going.


Nilapitan ko na lang ito.



"May meeting pa kami, Gavin." sabi ko rito.



Lumapit rin sa amin ang mga boys. "Miss President, mauuna na kami, may gig kami ng 8:30 p.m." sabi ni Reed.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now