"I DON'T LOVE YOU ANYMORE."
Mga salitang paulit-ulit na sumasagi sa aking isip.
Ang limang salitang tumapos ng lahat lahat.
Wala na. Iniwan na niya ako..
Iniwan na ako ng taong pinakamamahal ko..
Nag iisang taong minahal ko sa kabila ng lahat..Hindi ko na malaman ang gagawin. Patuloy lang ang pag agos ng aking mga luha. Walang tigil. Parang hindi nauubos.
Masakit.
Sakit na wala na yatang lunas.
Ang sakit na dulot ng paglisan ng taong naging mundo mo sa mahabang panahon. Yung taong naging karamay mo sa lahat ng pagkakataon sa'yong buhay. Yung taong pinangarap mong makasama buong buhay mo. Wala na. Iniwan ka na lang ng gano'n gano'n na lang. Sa paglipas ng panahon, masakit malaman na ikaw na lang pala ang nagmamahal sa inyong dalawa. Ang masaklap sa lahat ay iyong alam mong wala ka ng magagawa pa, wala ng pag-asang maayos pa. Yung 7 years of relationship niyo, tinapos lang niya sa limang salita.Saan pa ba ako nagkulang?
![](https://img.wattpad.com/cover/66325533-288-k718330.jpg)
BINABASA MO ANG
The Day We Fall In Love (COMPLETED)
RomanceSimula nang masaktan si Maddy sa long term past relationship, natakot na itong magmahal ulit. Kabaliktaran naman nitong si Gavin. Nasaktan, ngunit handa muling sumugal. Ngunit paano kung ang nakatadhanang tao para sa kanya ay hindi pa handa? Paano...