C h a p t e r 1 0 5

8 1 0
                                    

Kasalukuyan kong ninanamnam ang mainit na kape at french toast bread na ginawa ko kanina. Nakaupo ako sa may terrace, habang nagmumuni muni at iniisip kung ano ang maaaring mangyari bukas sa pagsisimula ko sa training na sinasabi ni Kuya Malt.


Sinamantala ang dalawang linggong bakasyon ko! Nakakapanghinayang talaga!


Naalala ko si Gavin at awtomatikong napalingon ako sa kabilang terrace. Sarado pa. Hindi ko na rin natanong kung umuwi ba ito kagabi o nag-stay na siya kila Tristan. Nakatulog na ito doon, baka doon na ito nagpalipas ng gabi.


Ang mahalaga naman, hindi siya nag-iisa. Lalo na't iniwan ko ito kagabi.


Nagsend ako ng message rito bago ko tuluyang pumasok sa loob ng bahay.


"Good morning, Gavin!" bati ko rito na may kasamang smiley.


Sunday is a general cleaning day for me. Halos everyday rin akong nasa labas at gabi na kung umuwi kaya I spend most of my Sundays cleaning my unit. Noong kasama ko pa sila Kuya sa bahay, mayroong cleaning service sa Meadows kaya may tigalinis ng buong unit. Walang time maglinis sila Kuya. Ayaw rin naman nila na ako ang kumilos, kaya may naglilinis ng buong bahay every week. Dito sa OPR, may iba't iba rin naman silang services. Pwede naman akong magrequest ng maglilinis ng unit ko, kaya lang gusto ko rin kasing maging abala. Saka, kailangan kong matutunan ang mga ganitong gawain. Medyo alam ko naman kung ano ang mga dapat gawin dahil nakikita ko kay Yaya Mela at Yaya Felly kung paano nila linisin ang mansyon. Madali lang naman ang mga gawain, mahirap lang minsan kapag may mga kailangang palitan kagaya ng kurtina na sobrang taas ng kinalalagyan.


Speaking of kurtina, pinalitan ko na ito ng blue pastel ang color. Pati ang mga punda ng throw pillow ko ay pinalitan ko rin ng kagaya ng kulay ng sa kurtina, pero may iba't ibang designs, na nagbigay ng kaunting detalye sa couch.


Nagpalit rin ako ng bed sheet at punda ng unan ko. Ginawa ko naman itong kombinasyon ng light blue at dark blue. Madalas kasi ay light colors lang ang ginagamit ko pero parang gusto ko ngayon ng medyo may dark color sa loob ng kwarto ko.


Nagvaccuum ng buong silid at nagpunas ng mga kasangkapan sa buong bahay. Hindi naman gaanong maalikabok ang mga gamit dahil nasa mataas na floor na rin naman ang unit ko.


Sa dami ng ginawa ko ay hindi ko na namalayan ang oras. Tanghali na pala. Nagpahinga lang ako saglit at saka inilabas ang ulam na galing sa resto kagabi. Tama nga ang nasa isip ko, ayaw mag-uwi nila Kuya ng pagkain kaya ang ending ako ang nag-uwi.


Ininit ko na lang ang ulam sa microwave saka kumain. Hindi na ako nagsaing at nagsimulang papakin ang mga ulam. Hindi masaya kumain mag-isa. Sumulyap ako sa cellphone ko pero wala pa ring message mula kay Gavin. Marahil ay tulog pa ito. Mukhang napasarap ang tulog nito.


Well, that's good. Lagi pa naman itong walang enough na tulog.


Pagkatapos kong maglunch ay binalikan ko ang mga tinanggal kong kurtina, bedsheet at mga punda para tiklupin. Sa lahat ng gawain sa bahay, paglalaba ang pinaka-ayaw kong gawin. Kahit automatic pa ang washing machine ay hindi ko talaga ikinatutuwa ang paglalaba. Kaya nagpasya na lang ako na itupi ito at dalhin sa laundry shop sa baba.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon