C h a p t e r 1 1 1

8 1 0
                                    

"Good morning, Miss Russell!" bungad na bati sa akin ni Mr. John sa lobby. May hawak itong bouquet of white roses at akmang iaabot sa akin ngunit nag-alinlangan akong tanggapin.

Nagpalipat lipat pa ang tingin ko sa kanya at sa bouquet.


"Para sa akin? Kanino galing?" nag-aalinlangan ko pang tanong.


"Galing po kay Sir Tristan." saad nito. "Pina-pick up po niya ito sa flower shop, Miss. Para po ibigay sa inyo pagbaba niyo."


"Oh! T-thank you!" kinuha ko sa kanya ang bouquet at ngumiti ng malaki. Baka may mga taong nakatingin. Nakakahiya kung hindi ko tatanggapin. Saka baka makarating pa kay Kuya Travis at sa mga magulang namin.Mapagalitan pa kami pareho. Iiwanan ko na sana ito upang puntahan si Mang Fredie na naghihintay sa akin sa labas ng building nang magsalita ito ulit.


"Sir Tristan also sent Chad to pick you up, Miss."


What?Anong pakulo ito? tanong ko sa aking sarili. I'm just observing everything. Hindi ako makapagreact ng maayos dahil natatakot ako na baka binabantayan ang mga kilos ko.


"This way, Miss." itinuro nito ang exit door sa west side ng building. Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod kay Mr. John kung saan man ito patungo. Wala akong kaalam alam sa mga nangyayari.


Tinext ko na lang si Mang Fredie na sumunod sa amin papuntang school. First day ng klase, ayaw kong mahuli.


Magcha-chat na lang din ako kay Gavin, baka hagilapin ako nito.


"Good morning, Miss!" bati sa akin ni Chad, ang personal driver ni Tristan.


"Good morning! Nasaan si Tristan?" tanong ko rito.


"Hindi po siya nagsabi, Miss. Nagbigay lang po ng instruction na sunduin ko kayo ngayong umaga."


Hindi na ako sumagot. Naging hudyat naman ito para paandarin nito ang sasakyan. Nakita ko namang nakabuntot si Mang Fredie sa amin habang nasa daan.


I tried calling him pero hindi naman ito sumasagot. Nakailang tawag rin ako hanggang sa makarating sa school ay walang sagot sa calls at texts ko rito.


Dahil first day, maraming mga estudyanteng naka-civilian. Adjustment period pa lang din naman ang buong week kaya hindi pa required ang mag-uniform. Dahil, council ako, naka-uniform ako. So lame.


Mahaba pa rin ang pila sa cashier's office at sa ibang offices na nag-aasikaso sa enrollment ng mga estudyanteng last minute nag-enroll.

Marami ring tao sa cafeteria. I saw Sean walking towards me.


"Maddy, thank God I saw you! Nalilito na kasi ako kung anong gagawin ko." Humahangos ito at tila stressed na.


"Bakit? Anong problema?" ang alam ko ay magta-transfer na ito ngayong taon sa Collins U para magkakasama na sila. Pinakita nito ang mga documents niya sa akin.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now