C h a p t e r 3 9

45 6 0
                                    

"Miss Joyce, mauuna na po akong umalis." paalam ko sa assistant ni Kuya. Nasa meeting pa kasi si Kuya Maze, almost 1 p.m na.

"Hindi mo na ba hihintayin si Sir Maze?" tanong nito.

"Male-late po ako Miss. May dadaanan pa rin po kasi ako bago ang klase."

"All right! Ingat on your way to school. Inform ko na lang si Sir na umalis ka na. "

"Thank you, Miss!"

Nagmamadali na akong lumabas ng office ng kuya ko. Itetext ko na lang din sya. Natataranta akong kinuha ang cellphone ko sa bag.

12:56 p.m na ang oras pagsulyap ko dito.

Shit!

Ang dami pang tao na gustong sumakay sa elevator. Nakakapagod naman maghagdan. Nasa 25th floor ang office ng kuya ko.

Sana wala pa siya sa baba.

Finally, after a few minutes, nakapasok din ako ng elevator. Siksikan, pero keri naman na. Makarating lang ako sa baba as soon as possible.

Paglabas ko ng building ay may isang lalaking nakasandal sa pulang sasakyan. Hindi pa ito naka-uniform. Naka-maroon itong v-neck shirt at naka black pants. Naka-shades din ito.

Ang gwapo nito. Parang si Lee Jong Suk! Sobrang nade-define ang ilong nito dahil sa shades, at medyo namumulang balat dahil sa sinag ng araw. Tanghaling tapat pa naman pero hindi ito natinag sa pagpapa-araw.

OMO! Madison! Ano bang pinagsasasabi mo?! saway ko sa aking sarili.

Nahihiya akong lumapit pero wala na akong panahon para taguan pa siya dahil nakita na niya ako.

Nakangiti ito at kumakaway pa.

Not so Gavin.

"H-hi!" nahihiyang bati ko sa kaharap.

"Hi!" ganting bati naman nito na ubod laki ng ngiti.

Weird. As in Weird.

"Kanina ka pa ba dito?"

"Hindi naman." he smiled. "Let's go?" tanong nito na nagpagulo sa isipan ko na parang nahalata naman niya. "I'll give you a ride. Papunta ka na ng school, right?"

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya na may dadaanan muna ako bago akong pumunta sa school e. Akala ko kasi ihahatid lang niya yung laptop.

"So?" pagkuwan ay tikhim nito nang hindi pa rin ako natitinag sa kinatatayuan ko.

Napakamot ako sa ulo ko. Na-stress ako bigla. Feeling ko kapag sinabi ko na may pupuntahan pa ako ay sasama ito.

"So going somewhere?" tanong nito.

Tumango lang ako ng bahagya. Nag-aalinlangang sagutin ang tanong nito.

"Come on! Samahan na kita."

Sabi ko na nga ba!

"Nakakahiya, Gavin! Ilang araw mo na akong-"

"No worries. I'm free today. Let's go?"

Umikot ito sa passenger side at pinagbuksan ako ng pinto kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumakay sa sasakyan nito.

Naninibago ako sa Gavin na nasa harapan ko ngayon. Hindi naman siya ganito. Madalas lang itong tulog. Walang imik. Walang reaksyon. In short, wala kang mapapala kapag kausap siya pero bakit ganito? Ano'ng nangyayari sa Earth?

I have to know the answer!

"Seriously, Gavin. You don't have to do this. Baka nakakaabala na ako sa'yo!" sabi ko rito.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant