C h a p t e r 1 2

112 27 24
                                    

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganoon na lang ang mga pangyayari kanina sa school. Talaga bang dahil lang sa pag-confront nila nang kagigising si Gavin kaya ito nagalit?

Baka may galit ito sa akin. Wala naman akong maalalang encounter naming dalawa. Hindi pa nga kami nagmi-meet ever. As in, hindi ko maalala na mayroong pagkakataon sa school na nagkausap kami para magkaroon siya ng galit sa akin.

"Princess, what's the problem?" tanong ni Kuya Maze sa akin habang kumakain kami ng dinner.

Ang sarap pa naman ng ulam namin, kaso wala akong gana.

"May hindi lang magandang pangyayari sa school, Kuya."

"Hmmm. What is it?" tanong ulit nito.

"My Feasibility partner did not show up this morning in our supposed to be meeting. Then, we found him sleeping in our classroom." tiningnan ko muna kung anong reaksyon ni Kuya bago nagpatuloy. "His friends woke him up and confronted him. They asked him why he did not show up, but he got mad and just walk out of the room."

"Even I would be mad if that happens to me." sagot ng Kuya ko sa akin.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nito. "Why?"

"First, is that I am sleeping." he said. That is what I'm thinking. "And the other reason is that they should've talked to me in private. You know, a man's ego." he added.

Well, Kuya Maze has a point. We should not confronted him there.

"Iniisip ko lang na baka galit siya sa akin dahil ako naman 'yong reason kung bakit nangyari 'yon."

"I think not. You are part of the scene but it doesn't mean that he will blame you on that. I'm sure that man has reasons. All of you should have listened first."

Feeling ko nga talaga na mali kami. Kasama pa rin ako dahil nandoon ako noong nangyari 'yon.

The next day, he showed up. But he didn't seem to care.

Mukhang okay na silang magkakaibigan dahil nag-uusap na sila.

Gusto ko sana siyang i-approach pero natatakot ako na baka galit ito sa akin.

Anong gagawin ko? I asked myself.

Hanggang sa matapos ang klase ay unease pa rin ako.

Pakiramdam ko ay mas mahirap pa na magkatabi kami pero hindi kami nag-uusap tapos hindi ko alam kung anong nasa isip nito. I wish I had a power which I can read the minds of the people.

"Nahirapan ba kayo sa exam?" tanong ni Trixie. "Parang naubos yata ang lahat ng laman ng brain ko sa exam na 'yon!" reklamo nito.

Hindi ako umiimik. Masyado pa rin talaga akong occupied sa mga kaganapan kahapon.

Gusto ko siyang kausapin.

Hinihintay ko na lang sila Trixie na nagpupulbo pa at nagre-retouch ng kanilang mga make up kahit uwian na.

Luminga pa ako sa paligid para tingnan kung sino pa ba ang nasa classroom. May ilan pa kaming kaklase na pareho rin ng ginagawa nila Trixie. Nasa labas na naman sila Tristan. Hinihintay yata nila kami.

"Mahirap nga! Pero sa tingin ko tama naman lahat ng sagot ko." sabi ni Shane. "Anong sagot niyo sa number 15?" tanong pa nito.

Pero wala talaga ako sa mood makipag-usap tungkol sa exam namin. Napakahirap nga naman talaga. Nadagdagan pa ang hirap ko dahil sa kakaisip kay Gavin. Hay naku!

"Ah, girls I think, kailangan na nating bilisan kasi parang hinihintay yata tayo ng The Great sa labas?" tila kinikilig na sabi ni Trixie.

"Assuming ka, girl! Malay mo naman hindi." pagkalingon nito sa labas ay tila nagbago ang ihip ng hangin. "Let's go, I think they're waiting." yaya ni Macy. Napakamot na lang kami sa ulo ni Shane.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon