C h a p t e r 3 8

46 6 0
                                    

"Nasa Mcdonald's daw sila." sabi ko pagkatapos naming mag-park.

Tumango ito, feeling ko alam na rin niya kung nasaan ang mga ito dahil panay ang pag-on ng screen ng cellphone niya kanina habang nagda-drive ito.

"Leave your things here and just bring the essentials."

Opo Koya! Kung hindi ka sanay sa kanya, iisipin mo sinusungitan ka niya. Pero hindi naman talaga. Normal na niya 'yon.

Lumabas na ito at hinintay na lang niya akong matapos sa pagkuha ng gamit na kinukuha ko sa bag.

Naglakakad na kami papasok ng mall. Pinauna ko itong maglakad, nako-conscious kasi ako sa band-aid sa noo ko. Napahinto na naman ito nang napansin niyang nakahawak ako sa aking noo.

"Does it hurt so bad?"

"Not really." sagot ko rito.

Pero hindi ito natinag, parang nanghihintay pa ng paliwanag.

"Hindi lang ako sanay na may band aid sa noo." ngumiti ako para hindi na niya pansinin at isipin n'yang ayos lang naman ako. Hindi naman siya ganoon kasakit, sakto lang. In a scale of 1 to 10, nasa 5 lang naman ang pain. Kumikirot pero tolerable. Nakakailang talaga kasi. Hindi ako sanay na may nakalagay sa mukha ko na kahit ano.

"They're here!" narinig kong sigaw ng isa sa mga kaibigan namin. Nagpatiuna na akong maglakad papasok pero pinigilan ako nito sa braso dahilan para mapabalik ako malapit sa kaniya.

"May I see?" sabi nito nang hindi pa rin nawawala ang kamay ko sa aking noo.

"Hala!" sigaw ng isang kaibigan ko. Tila kinikilig!

"OMG!" tili pa ni Trixie.

Na-conscious tuloy ako bigla. Umiwas ako ng tingin.

"O-okay naman, G-Gavin. T-hank y-you!"

AWKWARD! Sobra!

Seeing your friends na kinikilig? OMG! Para akong matutunaw sa hiya.

Pulang pula ang pisngi ko!

I didn't see anything romantic in Gavin's gestures. Nailang lang talaga ako sa reaksyon nila.

And sila Arkin, tila shocked sila. Walang kumikilos hangga't nakalapit na kami ng husto sa kanila.

"Miss President, dito ka na lang upo sa upuan ko." pag-aalok ni Reed.

"T-thank you!" paupo na sana ako ng bigla akong inawat ni Trixie.

"Sissy, dito ka na lang umupo!" tila kinikilig pa rin ang loka at nagsisipag impitan sila ng mga boses.

Si Gavin kasi, ipinaghila ako ng upuan sa gilid ni Trixie.

Tinuturo pa din ng mga kaibigan ko ang upuang inilagay ni Gavin sa tabi nila. Kaya umikot na ako para doon umupo. Para matapos na lang ang pangungulit nila.

Si Gavin, umupo sa kabilang side sa tapat ko.

Walang imik. Walang reaksyon.

Paano niya kaya nagagawang maging isang emotionless na tao sa mga ganitong pagkakataon?

Bakit kasi kailangan pa nilang bigyan ng kahulugan ang pagmamagandang loob ni Gavin? Lahat naman sila sweet at thoughtful. Kaya walang big deal sa mga gestures ni Gavin para sa akin.

Owwwwsss? Wala nga ba?

"So..." tikhim ni Tristan. "I guess we are all here, we can start."

"Let's start the meeting." segunda ni Arkin.

Meeting? Seriously? About what?

Nakaipon sa kabilang dulo ang mga basyo ng bff fries at may kanya-kanyang drinks ang bawat isa. Kahit ako ay mayroon na ring Iced Coffee na inabot sa akin ni Shane kahit hindi ko maalalang nagpa-order ako. Noon ko lang napansin ang sandamukal na fries sa lamesa namin.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum