C h a p t e r 1 0 6

6 1 0
                                    


"Good morning!" masayang bungad ko kay Gavin pagkabukas nito ng pintuan.

"G-good morning!" ganting bati naman nito. Mukhang kagigising lang niya, dahil pupungas pungas pa ito.

"Breakfast, you want?" tanong ko rito.

"I'm good." sagot naman nito.

"Nagbreakfast ka na?" tanong ko ulit. Dahil napakaaga pa, imposibleng kumain na ito.

"I think Sean cooked something. I just don't know what it is." minuwestra nito na pumasok ako sa loob, pero gusto ko lang naman talagang malaman kung kumain na ito.

"Where's Sean?" I asked him. Wala rin kasing sumunod sa kanya para salubungin ako. Saka madalas, si Sean ang nagbubukas ng pinto. Mukhang wala ito.

"He went on a hike. He left just now." sagot ni Gavin.

"Ah, ngayon na pala 'yon." wala sa loob ay sambit ko. "Wait lang, babalik ako." sabi ko rito.

Hindi ko na ito hinintay pang awatin ako. Baka okay na 'yong coffee na isinalang ko sa coffee maker. Hindi ko pa nasosoli ang coffee maker nila Kuya.

Medyo natagalan ako sa pagbalik dahil inayos ko pa ang mga dadalhin kong breakfast para dito.

I made spam, egg and rice with a cup of roasted coffee.

"Smells good." komento ni Gavin at ngumiti. Napangiti na lang din ako. "Hindi ka rito kakain?" tanong nito.

"Oh, I left my breakfast at the terrace." nahiya rin kasi ako na dito pa sa unit niya kumain kaya intentionally, iniwan ko sa terrace. We could have a terrace breakfast together.

"I see. See you at the terrace, then." sabi ni Gavin.

Dali dali akong nagtungo sa terrace, sakto naman na ito rin ay kakadating lang sa terrace niya.

"You made this?" tanong ni Gavin.

"Yep." nakangiting sagot ko.

Magkaharap ang upuan namin sa terrace kaya natatanaw namin ang isa't isa. Nakailang subo na ito ng kanin at spam. Nakakatuwa lang, tila sarap na sarap ito sa gawa ko.

Inamoy pa nito ang kape, bago humigot. That's a premium roast coffee, parang kape sa Mcdonald's. I make sure na tama rin ang nilagay kong bilang ng creamer at sugar.

Pagkatapos namin magbreakfast ay nagpaalam na ito para maligo.

"I'll wait for you at the lobby." sambit nito bago pumasok sa loob ng unit niya.

Kagaya ng napag-usapan namin, hinatid nga ako nito sa Meadows Hotel.

"Anong oras ka matatapos?" tanong nito.

"5 p.m?" patanong kong sagot rito.

"Text or call me when you're done." he smiled.

Tumango naman ako bilang tugon.

Hindi naman ako gaanong nahirapan sa unang araw ng training ko. Parang kagaya lang din naman ng internship ko. Saka medyo gamay ko na ang mga trabaho dito dahil naituro na sa akin dati ni Miss Joyce.

"Bukas ko na lang ituturo sa'yo 'yong system para sa reports." sambit ni Miss Joyce.

"Sige po."

May mga pinapasort ito na mga previous reports. Kailangan daw kasi ito ni Kuya Maze.

"Kapag natapos mo 'yan, puntahan mo ako."

Tumango ako bilang tugon.

Alas tres pa lang at may two hours pa ako para tapusin ito.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now