C h a p t e r 7 8

8 1 0
                                    

Hindi ko alam kung ano'ng dapat isagot sa mga sinabi ni Gavin.


Hindi ako sanay na ganito ang usapan naming dalawa. Hindi ako sanay sa pagiging vocal niya sa mga nararamdaman niya.


"I know I sounded so weird right now. Hindi ko rin alam kung bakit sinasabi ko sa'yo lahat ng ito."


Nag-iwas ito ng tingin.


"Gavin..."


Pangalan na lang niya ang tangi kong nasabi.


"I will just go home..." sabi nito.


"Wala kang sasakyan, Gavin." paalala ko rito.


Natigilan ito sa sinabi ko. Sumabay kasi siya kay Tristan kaninang umaga dahil antok na antok na antok pa talaga siya.


Feeling ko hindi ito makakasabay kay Tristan dahil sa nangyari kanina.


"I'll just get a cab..." sagot nito.


"Sumama ka na lang sa akin pabalik sa hall, Gavin..." alok ko rito.


Ang tagal nitong nag-isip.


"Sabay na lang tayo umuwi. Gusto mo?" tanong ko rito nang hindi talaga ito makapagdecide kung babalik ba kami o hindi.


I think my offer will be accepted.


Tumingin ito sa akin na parang inoobserbahan kung seryoso ba ako sa sinabi ko.


"Let's go?" tanong ko rito. "After magligpit sa hall, we'll go home." sabi ko rito. Tumayo na ako para yayain ito. Hindi naman ako nabigo nang tumayo ito at maging isang poste sa harapan ko sa katangkaran.


Naglakad na kami pabalik sa conference hall. Lahat sila ay manghang mangha na naisama ko si Gavin pabalik. Nakita ko pa ang malawak na ngiti ni Tristan. Napapailing na lang ang mga kaibigan nito.


Malapit na silang matapos sa pag aayos ng mga upuan at pagliligpit.


Umupo si Gavin sa isang sulok habang hinihintay kaming matapos. As usual, siya ang supervisor. Pero, nagyuko ito ng ulo, mukhang matutulog na lang na naman. Sinamantala ko ang pagkakataon para malapitan si Tristan at ang iba pa.


"Ano'ng nangyari, Miss President?" bulong ni Reed.


"Wala naman, Reed. Nag-usap lang kami, buti na lang at sumama siya pabalik." sagot ko rito. "Kaya lang, Tristan... isang rason kung bakit siya sumama pabalik kasi inoffer ko sa kaniya na sa akin na lang sumabay pauwi." baling ko kay Tristan.


"No worries... Iniisip ko nga rin talaga kung paano siya uuwi kanina." sagot nito.


The Day We Fall In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now