C h a p t e r 9 2

8 2 0
                                    

Napabalikwas ako nang magising na yakap yakap si Gavin. Nagulat rin ito sa naging reaksyon ko at bahagyang natawa.


He's telling me that he's not the main culprit of it through his eyes.

Well, I know.

Nakakahiya!

Ako nga pala ang yumakap sa kaniya kanina. Napahilamos na lang ako sa aking mukha at humingi ng paumanhin.


"S-sorry." sambit ko. Hindi ko nga lang alam kung para saan. Sa naging reaksyon ko ba pagkagising ko o sa pagyakap ko sa kaniya habang natutulog... Shit! Naguguluhan na ako sa sarili ko! Hindi ko alam kung nasa tama pa ba akong pag-iisip, kasi 'yong puso ko tila wala na. Sobrang bilis na naman kasi ng tibok ng puso ko na halos naririnig ko dahil sa katahimikan ng paligid.


Bumangon ito at pumantay sa akin. Mas lalo akong kinabahan! Ano na namang binabalak nitong gawin? Binitawan pa naman nito ang hawak na hawak na cellphone saka ikinulong ang mga pisngi ko sa kanyang mga palad.


OMG! Nagtatambol na naman ang puso ko!


"Are you okay now?" he asked.


Hindi ako makatingin dito ng diretso. Para na naman akong nilulusaw sa kinauupuan ko.


Bahagya akong tumango.


"I ordered food. Let me just ask Sean." he picked up his phone and started typing.


Hindi ko alam bakit parang may panghihinayang sa puso ko pagkabitaw nito sa pisngi ko. Parang ...


No! Saway ko sa aking sarili. Shit! Ano ba'ng problema mo?


Pinagmasdan ko ito at busy ito sa cellphone. Inutusan na naman nito ang pinsan.


"B-bakit si Sean ang nag-order?"


Matagal ito bago sumagot dahil hindi pa rin naaalis ang focus nito sa cellphone nito.


"You're sleeping beside me, you wrapped your arms around me." sabi nito na medyo nagdulot ng pagkailang sa aming dalawa kaya nag-iwas kami ng tingin sa isa't-isa.


Bakit ba ako nagtanong?

Dinadagdagan ko lang 'yong kaba na nararamdaman ko!


"Baka magising ka kapag gumalaw ako. All I can do is to send a message to him... while you are sleeping." dugtong nito na nagpapalipat lipat pa ang tingin nito sa akin at sa cellphone niya na parang hindi malaman ang gagawin.


Hindi ko alam ang sasabihin ko buti na lang hindi na required na sumagot pa sa sinabi niya dahil may kumatok sa pinto. Dali dali itong tumayo at pinagbuksan ang kumakatok, for sure si Sean na.


Mahihinang boses lang ang naririnig ko. Hindi ko sure kung nagtatalo ba silang dalawa o nag-uusap lang tungkol sa kung ano.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now