C h a p t e r 7 2

7 1 0
                                    

Dahil sa pag-amin ni Gavin ay hindi na tumigil ang mga kaibigan ko sa pang-aasar. Lalo na si Macy at Trixie.


"Girl, ibang klase rin talaga si Gavin 'no? Straightforward!" kinikilig na sabi ni Trixie.


"Grabe, Madison! Ewan ko na lang sa'yo kung hindi ka pa kiligin!" sabi ko rito.


"Ang iingay n'yo! Hindi ako makapag-concentrate dito sa ineedit ko!" sabi ko sa mga ito. Ibinalik na kasi ng prof namin 'yong research paper namin at mayroon siyang ipinapabago.


Nagpaiwan pa kami sa school para matapos namin, nauna na ang The Great sa pag-uwi.


"Ay, grabe s'ya! Patay malisya ah!" sabi ni Macy.


Naiiling na lang kaming dalawa ni Shane sa kulit ng mga kaibigan namin.


"Ito na 'yong sign na pinag-uusapan lang natin kanina 'di ba?" sabi ni Trixie. "Action speaks louder than words, nagsalita na siya girl! Ano pa ba ang kailangan?" tanong nito.


"Wala siyang kailangang gawin, Trix." sagot ko. "Nag-usap na kami, okay?" sabi ko rito.


"Oh, tapos?"


I rolled my eyes. Hindi talaga titigil hangga't hindi ko sinasabi ang lahat ng detalye.


"Hindi ko kailangang sumagot, 'yon ang sabi niya." sabi ko sa mga ito.


"Bakit pa siya umamin kung hindi naman pala niya gustong malaman ang sagot mo?" tanong ni Macy.


Nagkibit balikat ako.


"Siguro kasi, hindi pa nila lubusang kilala ang isa't - isa." singit ni Shane. "Or maybe he knows that Madison is not yet ready to enter a relationship. Ilang months pa lang naman ang lumipas since their break up." paliwanag ni Shane sa mga ito.


"Wala namang masama kung magkaroon na ng bagong boyfriend. Three-month rule! Lampas na nga!" pumalakpak pa itong si Trixie na tila excited at ini-imagine ang mga pangyayari sa buhay ko. Take note, sa buhay ko!


Ewan ko ba naman sa mga ito at sobrang minamadali akong magkaroon ng boyfriend. Hindi ko nga nakikita ang sarili ko na nasa isang relationship ngayong taon na ito.


Para ba'ng nagka-phobia ako sa love.


"Girls, time will tell..." sabi ko sa mga ito. "Huwag nating madaliin ang mga pangyayari...everything will fall into the right places."


"Time will tell, if it's meant to be, it's meant to be? Nako, Madison! Alam ko na 'yang mga words of wisdom mo." naiiling pang sabi ni Trixie.


Natawa na lang ako. Pambihira naman talaga sa kakulitan ang dalawang ito.


"Guys, let it be. Malay niyo naman 'di ba? Pa-ganyan ganyan lang si Madison pero kilig na kilig na 'yan deep inside!" natatawang sabi ni Macy.


The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon