C h a p t e r 1 5

77 25 15
                                    

Naging busy ako noong mga sumunod na araw or should I say, nagbusy-busy-han ako lately. Nag-focus na lang ako na gawin ang mga dapat kong gawin sa student council at sa internship ko.

"Maddy, nasaan ka ba?"

"Ah. Sorry, may tinatapos pa ako sa office." pagdadahilan ko.

"Sabi ni Tristan, wala naman na daw kayong kailangang gawin sa council ah. Next week pa daw ang event ninyo at natapos na lahat ng mga dapat tapusin!" she exlaimed.

Ops! I forgot that Tristan is part of my team. Nag-isip ako kaagad ng dahilan.

"M-may p-pinakisuyo si M-miss Gel." I lied. Nag-stammer pa nga.

"Sige. Wait ka na lang namin sa classroom."

"O-kay."

"Bye. See you!"

Nakahinga ako nang maluwag dahil naniwala ito sa pagdadahilan ko.

Umiiwas lang talaga ako sa kanilang lahat.

Hindi ako sumasama masyado kina Trixie after noong sungitan na naman ako ni Gavin sa classroom.

Nag-promise ako sa sarili ko na ako na lang ang iiwas dito.

I don't know his reasons for being such a rude guy. Wala naman akong naisip na ginawa kong mali sa kanya. Kaya heto, para wala talagang maging conflict umiiwas na lang ako sa kanilang lahat.

Hangga't magkasama ang mga kaibigan ko at ang banda, magkakaroon at magkakaroon pa rin kami ng chance para magkita at baka maulit na naman ang mga hindi magagandang pangyayari sa aming dalawa.

Ayaw ko pa naman na may nakakaaway or may nagagalit sa akin. Ang pinakamalala pa doon, hindi ko naman alam ang rason bakit siya ganoon sa akin.

Kapag nasa classroom na lang ang time na nakakasama ko silang lahat. And usually, pumapasok ako sa klase ng on time or mga 3-5 minutes na lang bago magsimula ang klase para hindi na ako magkaroon ng chance para makipagkwentuhan ng masyadong matagal.

Hindi ako dumadaan masyado sa cafeteria para hindi ko sila makita especially sa time na alam kong nandoon na sila.

Nagrarason na lang ako ng kung anu-ano. Nagtataka na nga rin ang mga kapatid ko dahil nagdadala na ako ngayon ng snacks.

"Para kanino 'yang dala mo?" tanong minsan ni Kuya Maze.

"Para sa akin." masigla kong sagot.

"Bakit nagbabaon ka na ng snacks?" nagtatakang tanong nito.

"Para hindi na ako bibili sa cafeteria."

"Bakit? Hindi na masarap mga pagkain? tanong ulit nito.

"Baka nagtitipid ng allowance niya." singit ni Kuya Malt.

"Hindi po!" maagap kong awat dito.

"E bakit nga?" tanong ulit ni Kuya Maze.

Hay, lahat na lang ba big deal?

"Nasasawa na po ako sa mga pagkain sa cafeteria namin. Paulit ulit na lang." pagrarason ko.

Mukhang naniwala naman sila.

Madison, napakarami mo nang naimbentong rason. Kota ka na! Minus points ka na niyan sa langit! Nasasabi ko nca lang minsan sa sarili ko. Sa pag iwas ko ay nakakapagsinungaling tuloy ako.

Medyo awkward sa classroom kasi may mga subjects na katabi ko si Gavin. Though, most of the time, tulog naman siya so, walang masyadong contact with him.

May mga times na nagtatama ang mga mata namin ngunit ako na lang ang umiiwas kaagad.

Tuwing uwian ay hindi na ako tumatambay or nag-i-stay pa kasama nila.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now