C h a p t e r 9 8

9 1 0
                                    

"Nagkausap na kayo bakit nakabusangot pa rin 'yang mukha mo?" tanong ni Shane pagkatapos kong makausap si Gavin.


"Wala naman siyang sinabi..." anas ko.


"Paanong wala? Imposible." aniya.


"Uuwi raw siya. Hayaan mo na, ayaw ko na mag-isip. Tapusin na lang natin 'to." baling ko sa laptop. Susubukan ko ulit i-balance ang worksheet nila Shane. Kailangan ko lang mag-focus.


"Naku, Madison! Ikaw lang ang nagpapahirap sa sarili mo. Kung uuwi na siya ngayon, kausapin mo na siya kaagad kapag pinuntahan ka."


I'm scared.

Kung saan ako natatakot ay hindi ako sigurado.


Hindi na ako umimik kay Shane at pinagtuunan na lang ng pansin ang Excel sheet. Kumpleto na ang detalye, may problema lang talaga ang utak ko at hindi ko mahanap kung saan ako nagkamali.


"Sabi ni Reed, stressed si Gavin mula pa kagabi dahil hindi ka raw ma-contact." sambit ni Shane na kinokonsensya ako. "Kagabi pa gustong umuwi ni Gavin para puntahan ka kaso hindi lang daw talaga pwede. Ayaw sabihin ni Reed kung bakit hindi pwede, itanong mo na lang daw kay Gavin kapag nag-usap kayo."


"Huwag mo na akong i-update, Shane." saway ko rito.


"These are facts that you need to know, Maddy."


"Para saan pa? Eventually, all those good things about Gavin will just vanish and he'll be just like any other guy."


"How sure are you, Maddy?" she sighed. "I can't believe that you're judging him just like that."


Nagsisimula na naman akong maiyak.


"Natatakot ako, Shane." nag-uunahan na naman ang mga luha ko. "Natatakot ako na maulit lang ulit 'yong ginawa ni Grant. Natatakot ako, dahil ganito rin 'yong nangyari noon at hinayaan ko lang siya na gawin sa akin lahat ng klase ng panloloko."


"Maddy, I know... naiintindihan kita at alam ko bakit ganyan ka. Pero bakit hindi mo buksan ang puso mo, kasi alam ko naman na ang nilalaman niyan. Pero hindi natin malalaman ang katotohanan kung hindi tayo magiging matapang na harapin ang mga nangyayari. Take a risk."


"Paano kung maulit lang ulit?"


"Hindi ba worth it si Gavin sa pain na mararamdaman mo kung sakali? Saka sa tingin mo ba magagawa kang saktan no'ng tao? Magagawa kang lokohin? Maddy, you know him around girls, napakaimposible."


Patuloy lang ako sa paghikbi.


"Give him a chance to explain himself. Wala namang mawawala sa'yo kung pakikinggan mo si Gavin. Mas maraming magbabago kung hindi mo siya pakikinggan at hahayaan mo na lang na mangibabaw ang takot mo dahil ayaw mong malaman ang totoo."


Doon ko napagtanto ang lahat. Tama si Shane, natatakot akong malaman ang katotohanan. Kung sino ang sumagot sa cellphone niya dahil baka hindi ito kagaya ng naiisip ko. Pero ipinagdarasal ko na sana hindi kagaya ng mga naranasan ko kay Grant noon.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now