C h a p t e r 5 3

6 1 0
                                    


MADISON's POV


I woke up with a bad headache.

Naparami yata ang inom ko kagabi!

Wala akong maalala.

"Ano'ng pinaggagagawa ko kagabi?"

Napapasabunot na ako sa aking buhok sa sobrang sakit at sa sobrang blangko ng isip ko sa mga pangyayari kagabi.

Shit!

Unang bese kong nasubukang uminom.

"Madison, what did you do?" I asked myself.

Kung nandito ang mga kuya ko ay malamang na masasabon. I am not allowed to drink. Never ko pang nasubukang magpakalasing, parang kagabi pa lang.

Luminga-linga ako sa paligid ng kwarto. Ako na lang na naman mag-isa ang naiwan. Hinagilap ko ang cellphone ko na hindi ko rin maalala kung nasaan na ba.

Jusmiyo, Madison Kaylee! Ano ba?

Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi.

Naglaro kami ng truth or dare e. Sa kasamaang palad at pag-iwas kong sumagot sa mga nakakaintrigang tanong nila e halos ako na yata ang makaubos ng isang bote ng iniinom namin alak. Hindi ko na rin matandaan. Pambihira naman talaga!

Ang bukod tanging naaalala ko ay ang tanong nila sa akin,

"May chance ba na balikan mo ang ex-boyfriend mo?"

I did not answer. "Pass!"

Naghiyawan ang lahat.

"2 shots, Miss!!" sigaw ni Reed pagkatapos kong ibalik sa kaniya ang card na may nakasulat na number 2.

Shit!

"What happened after that? Paano ako nakapunta rito sa room?"

Wala talaga akong maalala! Lalo lang sumasakit ang ulo ko!

Dahil bigo akong alalahanin ang mga nangyari kagabi ay nagpasya na akong bumangon at nagtungo sa restroom.

"Good morning, Miss President!" masiglang bati ni Evan sa akin. Siya ang nabungaran ko paglabas ng villa. Nakaupo ito sa may veranda. Ngiting pilit ang isinukli ko sa pagbati nito dahil sobrang sakit talaga ng ulo ko! Parang pinipiga!

"There you are!" sabi ni Tristan paglapit ko sa kanila.

"Hija, sinabi lang namin na mag-inom ka pero hindi magpakalasing!" bungad sa akin ni Shane. "Hindi ka naman sanay sa alak."

"Grabe, Madison Kaylee! Ang dami mong nainom kagabi." talak nitong si Trixie sa akin. "Malalagot tayo sa mga Kuya mo kapag nalaman."

Hawak ko ang aking sintido, dahil sobrang sakit talaga ng ulo ko.

"Bakit, magsusumbong ka ba?" nanlalatang tanong ko rito. Nakadulog na ako sa kanila sa cottage sa harap lang naman ng villa. Naghihintay sila ng breakfast.

Bakit parang walang kahit sino sa kanila ang tinamaan ng husto?

"Syempre, hindi 'no!" mabilisang sagot nito. "E di nalagot tayo pare-pareho sa mga Kuya mo."

"Miss President, humigop ka muna nitong mainit na sabaw para matanggal ang hangover mo." alok ni Reed na iniabot sa akin ang isang tasa.

Hindi ko alam kung anong sabaw ito pero sa tingin ko ay kailangan ko ito kaya hinigop ko na rin.

Shit. Ganito pala ang hangover! Hindi na ako uulit. Promise!

"Paano ako nakarating sa kwarto natin kagabi?" pabulong kong tanong kay Trixie.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon