C h a p t e r 1 8

79 23 22
                                    

GAVIN'S POV

So there, I drive towards Tristan's condo.

Nagdadalawang isip akong pumunta kaso, I don't want them to be angry at me because of her.

Hindi ko lang talaga napigil ang sarili ko kanina dahil inip na inip na ako.

And again, I don't want drama. I hate it so much!

Hindi na naka-lock ang pinto. Reed's here.

"Hey! Gav, have you tried this online game?" tanong nito pagkakita pa lang sa akin.

"What's that?" umupo ako sa sofa sa tabi niya.

"It's like Mobile Legends but the heroes are the Avengers."

"Ah, I haven't downloaded it yet. But I saw the reviews."

"You should try! Tapos kampi tayo."

"Sige. Download ko mamaya."sabi ko dito at humiga sa sofa.

"Wui! Putspa 'to! Matutulog ka na naman! Pambihira 'to!"

"Wake me up kapag dumating sila."

"I didn't know what has happened to you. Hindi ka naman antukin dati!" sabi nito habang naglalaro. "Madalas pa nga tayong nagpupuyat sa PS3. Tapos ngayon halos buong buhay mo yata gusto mo na lang itulog."

"I don't know. I just want to sleep."

"Nako, Gavin! Lilipas din 'yan!"

"Ano na naman 'yang sinasabi mo?"

Binato ako nito ng throw pillow.

"Get over it! Enjoy yourself! Be alive!"

"I'm over it!"

"Parang 'di nama---"

"What's the topic here?" singit ni Arkin.

Dumating na sila. Paano pa ako nito makakatulog?

"Wala, itong kaibigan kasi natin parang hindi pa nakaka-move on e!"

"Sira-ulo ka Reed! Ang daldal mo na naman!" binato ko sa kaniya 'yong unan pabalik. Sapul pa siya sa mukha! Busy kasi maglaro kaya hindi nakaiwas.

"Brad, may tanong ako." sambit ni Arkin. Umupo siya sa sahig sa tapat ng ulo ko.

Nilingon ko siya ng bahagya.

"May problema ka ba kila, Miss President?"

Heto na nga sila.

"Oo nga! Curious din ako." umupo rin si Evan sa tabi nito. "Anong problema kay Crush?" Pumangalumbaba pa ito sa harap ko na tila naghihintay ng mahabang eksplanasyon.

"Wala akong problema sa kanila or sa kaniya. Okay?" tumalikod na ako.

Matutulog na ako. Bahala sila.

"Huwag niyo na 'ko guluhin. Matutulog na ako."

Naramdaman ko na lang ang unan na tumama sa ulo ko.

The hell!

"Taragis na 'yan, Gav! 'Wag kang matulog! Sagutin mo nang maayos 'yong mga tanong namin sa'yo!" asik ni Reed.

Hindi nila ako papatulugin kaya kailangan ko na silang harapin.

Umayos ako ng upo. Walang puwang ang pagpapahinga sa mga ito. Putspang gala!

"Seriously, anong problema?" tanong na rin ni Tristan.

"I told you, walang problema." I insisted.

"Eh ano yong arte mo do'n kanina sa school? Papansin ka lang, gano'n?" sarkastikong sabi ni Evan. Sa nakakatawang tono. Tila siya bading na nanggigigil sa akin.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now