C h a p t e r 1

289 36 43
                                    

"Mads! Bilisan mo na, malelate na tayo!" sigaw ng Kuya ko mula sa baba. Hindi ako sumagot.

Kanina pa ko gising ngunit ayokong kumilos. Wala akong balak pumasok.

Nakahiga pa rin ako at yakap yakap ang unan na iniregalo sa akin ni Grant nung first year anniversary namin. Nakaunan naman ako sa malaking teddy bear nabigay niya last anniversary namin.

Kapag nilibot mo ang kwarto ko, may bahagi rito na maraming pictures. Pictures naming dalawa. Lahat ng happy memories namin. 

Mag-uumpisa na naman ba ako?

Mugto pa rin ang mga mata ko mula sa pag-iyak. Hindi ko alam kung paano huminto ang mga luha ko sa pagbagsak. Baka naubos na sa dami ng iniyak ko buong gabi.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Sa tingin ko nga ay madaling araw na 'yon eh.

Nakarinig ako ng mahihinang katok sa pinto at ang marahang pagpihit ng doorknob ng kwarto ko. Dali-dali akong nsgsaklob ng kumot. Ayokong makita ni Kuya Maze ang itsura ko.

"Uy! Mads, wala ka bang pasok? Tuesday ngayon ah. Wui! Tanghali na, bumangon ka na."

Umupo ito sa gilid ng aking kama at niyugyog ako.

"Kuya, mamaya pa ang pasok ko. Wala akong first subject ngayon." Pagdadahilan ko. Pero alam kong papasok ang prof. kosa first subject. Hindi sila marunong umabsent.

"Kelan pa natutong umabsent ang prof. mo?"

"May meeting daw siyang pupuntahan. Tanghali pa second class ko. Sige na kuya, hayaan mo muna akong matulog."

"Nakooo ! Madison Kaylee ! Bakit hindi ka kaya bumangon at harapin ako. Nakakumot ka pa!" Naramdaman kong inaangat niya ang kumot ko kaya hinila ko ito para hindi niya tuluyang makuha.

"Antok pa ko kuya! 'Wag ka ng makulit..pleasse.."

"O siya. Sige. Aalis na 'ko, may pagkain na sa kitchen, kumain ka na lang. " Umangat ang bahagi ng kama ko sa pagtayo ni Kuya. Naririnig ko rin ang mga yabag niya sa sahig.

Nakahinga lang ako ng maayos ng marinig ko ang pagbukas at pagpinid muli ng pinto. Buti nalang at hindi ito nangulit ng husto.

Bumangon na ako at nag umpisang ligpitin ang aking kama. Tinupi ko ang kumot ko at pinagpatung-patong ang mga unan. Inayos ko ang teddy bear sagilid. Pagkatapos ay umupo ulit ako sa kama. Sumandal sa malaking teddy bear. Iniyakap ko ang mga kamay nito sa akin.

Wala akong ganang pumasok. Hindi pa kaya ng utak kong magproseso ng ibang bagay ngayon. Isa pa, kahit maligo ako ay siguradong hindi mawawala ang mugto ng mga mata ko. Ayoko namang usisain lang ako ng mga bruha kong kaibigan. Paniguradong sangkatutak na naman ang ibabato sa aking tanong ng mga iyon.

Hindi ko pa rin gustong makita si Grant. Hindi ko pa alam kung paano ko siya haharapin. Kung ano ba dapat ang i-akto ko sa harapan niya, ngayong wala na kami.

Tinitigan ko ang teddy bear ko. Binigay niya ito noon, para daw kapag nalulungkot ako at wala siya may yayakap sa akin.

Ito na ba 'yong sinasabi niya?

Pero, ngayong yakap ko si Teddy hindi naman nababawasan ang bigat ng nararamdaman ko..

Bumangon ako at nagtungo sa harap ng salamin. Matagal kong tinitigan ang sarili ko sa salamin. Sinipat ko ang aking sarili. Wala namang nagbago.

"Madison Kaylee Russell, maganda ka naman, matalino, mabait, hindi maarte, simple, maputi. Ano pa bang gusto niya? Ano pang kulang?" 

Ayan. Kinakausap ko na ang sarili ko sa harap ng salamin.

Ganito ba kapag broken hearted? Nababaliw na..

"Ano pa bang kulang? Ginawa ko naman na ang lahat. Nabigay ko na lahat.. Pero, iniwan pa rin ako." Pagkasabi niyo ay awtomatikong tumulo ang aking mga luha na akala ko ay naubos na. 

Ito ang unang araw na wala na kami.

Parang ang hirap lang tanggapin. Napakasakit! Mahirap pala talagang iwanan ng taong mahal mo.

Nakatulala lang ako sa repleksyon ko sa salamin ng biglang tumunog ang celphone ko.

Nilapitan ko ang celphonesa bedside table. Si Trixie.

"Mads, di ka ba papasok?" Bungad ng kaibigan sa akin.

"Papasok.." Maikling tugon ko.

"Nasaan ka na? Anong oras na oh! Magsisimula na ang first subject natin."

"Habol ako.. "

"May problema ba? Bakit di kayo sabay ni Grant?Nakita ko siya kanina sa catwalk--" Tila isang bombang sumabog ang narinig ko sa pagbigkas nito ng pangalang hindi ko pa kayang banggitin.

"Wala naman. May practice siya." Sige, gotta go. Bye." Walang sabi-sabing pinindot ko naang end button.

Huminga ako ng malalim.

Hindi ko talaga kaya!

Nagpasya akong huwag na lang pumasok. Baka maging emosyonal lang ako at hindi makapagconcentrate sa klase buong maghapon..

Bumaba ako at nagtungo sasala. Binuksan ko ang TV. Panay ang lipat ko sa bawat channel. Wala akong mapiling palabas. Nakailang ulit ako sa paglipat at ng wala talaga akong makitang magandang palabas ay in-off ko na lang muli ang TV. 

Nahiga ako sa sofa'ng kinauupuan ko. Ang hirap mag-isa. Ang hirap na ako lang ang nandito sa bahay. Para akong lutang. Madaming iniisip. Naninikip ang dibdib. Hay. Tinitigan ko ang aking celphone. Nakawall paper pa rin ang picture naming dalawadito. Picture namin last week pagkatapos ng game nila sa basketball. Ito napala 'yong last picture namin.

Tinignan ko ang Gallery ng celphone ko. Ang dami naming pictures. Iba't-ibang folder sa bawat lugar na napuntahan na naming magkasama. Boracay. Mindoro. Vigan. Baguio. At kung saan saan pang lugar. Tinignan ko ang isang folder na may mga video na laman..

Mga video itoni Grant. Vinivideo-han ko kasi siya kapag naglalaro siya ng basketball, o kaya kapag nagrereport siya sa harap ng klase. Nakagawian ko ng gawin ito. Tapos, papanoorin naming dalawa at pagtatawanan ang mga mali niya.

May isang video rin na solo langniya. Tinignan ko ang larawan niya. Nang ililipat ko na ay bigla kong napindot ang play...

"Hi Baby! Happy 4th Anniversary to us! I love you so much! Always remember that I am here to support you. Sorry if minsan I am sooo stubborn. Sorry if I make you cry. I swear I'll never do that again. I love you from the bottom of my heart.. Take care--"

6 minutes ang video. May kanta pa siya sa medyo dulo.
Hindi ko na tinapos pa. 

Unti-unti na namang dumaloy ang mga luha mula sa aking mata.. 3 years ago, may ganito pa siyangpakulo. Nagvideo siya ng lihim sa phone ko, pag-uwi ko noon sa bahay, nagcheck ako ng pictures namin na ipapiprint ko at bumungad sa aking ang video niya. That was 3 years ago. Kilig na kilig ako noon pero bakit ngayong inulit ko itong panoorin ay sobrang nasasaktan ako?

Ang pagbabalik ng mga ala-ala namin.
Masakit isipin na kung ano kami noon ay nawala lang ng parang bula..

Tumayo ako at umakyat na lang sa kwarto..

---

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now