C h a p t e r 8

129 28 27
                                    

"Hey, Madsss!" excited na humalik sa aking pisngi Trixie pagkakita nito sa akin.

Kasama niya ang dalawa pa naming kaibigan na si Macy at Shane na pareho ding bumeso sa akin.

"Kamusta ka na?" tanong ni Macy.


Ngumiti lang ako. Hindi ko alam kung anong sagot sa tanong na iyan sa ngayon.

Sa ilalim ng puno ng acacia sa labas ng cafeteria ang aming meeting place tuwing umaga bago pumunta sa classroom.

Nasa paligid pa rin ang iba naming mga kaklase. Maaga pa naman din kasi.


"Miss President, magaling ka na?" tanong pa sa akin ni Dave nang mapadaan ito sa pwesto namin.


Tumango ako at nagthumbs up rito. Si Dave ay class representative ng section namin.


"Sure ka bang okay ka na, Mads?" hinawakan pa ni Macy ang pisngi ko.


Ngumiti ako dito at saka tumango tango.


"Medyo maputla ka pa kasi, at malalim ang mga mata."


"Don't worry. I'm fine. I will be fine soon."

Maybe that's the right words to say.


"So, what did I miss?"


"Wala pa naman masyadong ginawa, Mads." napalingon ako kay Shane. Siya talaga ang maaasahan ko sa mga ganitong usapan.


"Sabi ni Sir Marquez, ibibigay na daw niya ang pangalan ng mga magka-pair sa Feasibility study next meeting. Saka kay Sir Yves, maghanda na rin daw para sa internship. Maghanap na company na pwedeng pasukan."


"Pair na sa Feasibdi ility Study? Akala ko individual 'yon?" nagtatakang tanong ko sa mga ito.


"Ewan din nga namin e. Sabi ng mga seniors, individual naman daw talaga iyon. Mukhang nagbago ng strategy si Sir Marquez."


Okay ako sa internship dahil nakausap ko na si Kuya para doon ako mag internship sa company. Kaso nga lang, 'yong Feasibility Study, hindi ako sure kung sino ang magiging kapartner ko.

"Hinahanap ka nga rin pala ni Miss Gel. Hindi naman niya sinabi sa amin kung bakit." singit ni Trixie.


"Maybe because of the upcoming election."


"What about?" tanong ulit nito.


"Napag-usapan lang kasi namin last time na baka ipasa ko na sa ibang ka-partido ko ang position as President."


"Why?"


"I am thinking of maybe, not running this year."


"What?" sabay na bulalas ni Macy at Trixie.


The Day We Fall In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now