C h a p t e r 8 8

6 1 0
                                    

"You are the most important person to me, Madison Kaylee." he said as he moved closer to me.

Is he going to kiss me?

What will I do?

What am I going to do?

Mabagal ang paglapit ng mukha nito. Parang naka-slow motion ang lahat ng movement niya. He is staring at my lips right now! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Is he really going to kiss me?

Dapat ba itulak ko siya?

Bakit ganito? Hindi ako makakilos.

Bahala na si Batman!

I closed my eyes...

But...

His cellphone rings...

Napadilat ako...

Kitang kita rin sa mga mata nito ang inis maging sa boses nito nang sumagot sa tumatawag sa kanya.

"What is it now, Sean?" angil nito. He's very irritated.

I can't hear what Sean's saying to him. Lalo lang kumunot ang noo nito.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" napahampas pa ito sa manibela.

Nagulat ako pero hindi ko na lang ipinahalata.

"We're just a few blocks away from the subdivision, dude. What the heck?"

It seems like Sean said something about their house. Hindi ko masyadong maintindihan ang konteksto ng pinag-uusapan nila.

"Okay. I will not..." he paused. "Bye." and then he hung up.

Kinuyumos nito ang kamay na parang mababali at masisira nito ang kanyang cellphone sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya rito.

"What's the problem, Gavin?" tanong ko rito.

Nakalimutan yata nito na na may kasama siya. Dahil medyo nagitla ito sa pagsasalita ko.

"Nothing." malumanay niyang tugon. Nahimasmasan na ito.

But, I am not convinced.

Tinitigan ko lang ito. Alam kong may problema na ayaw lang niyang sabihin.

"We're not going to my house anymore." sabi nito saka nagmaniobra pabalik sa kabilang daan pabalik ng manila.

"B-bakit?" naguguluhan kong tanong.

Hindi ito umimik. Pero pabalik na kami ng Manila. Hindi na talaga kami tumuloy pumasok sa subdivision nila. Hindi ko inalis ang pagkakatitig sa kanya. Naguguluhan talaga ako sa mga nangyayari. Bakit bigla na lang kaming hindi tutuloy?

Siguro ay napansin nito ang pagka-bother ko sa desisyon niya.

We slow down.

"I'll tell you some other time, okay? Just trust me on this." sabi nito.

I just nodded.

"Let's go home, Princess." he smiled bitterly. Irita pa rin siya.

Ano kayang sinabi ni Sean sa kaniya bakit hindi na kami natuloy sa pupuntahan namin. Para hindi na lumala ang pagkainis nito ay hindi na lang ako nagtanong ulit. Hindi ko alam kung paano papagaanin ang sitwasyon o mapanumbalik man lang sa good mood itong si Gavin. Gusto kong i-message si Sean para malaman 'yong rason kaso baka magalit si Gavin.

Sobrang tahimik, nakakunot pa rin ang noo nito. Gustong gusto ko na siyang tanungin kaso sabi niya next time na siya magkukwento. Gusto ko rin mag-open ng ibang topic para mapag-usapan kaso, wala namang pumapasok sa isip ko.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon