C h a p t e r 6 1

10 2 0
                                    

"Pwede naman magkaraoke 'di ba?" tanong ni Trixie sa akin. "Nagtatanong kasi si Reed kanina."

"Sure! Open mo na lang 'yong TV saka 'yong sound system." sabi ko rito.

"Sige, kahit mamaya na."

Katatapos lang ng house blessing at ngayon pa lang din naman kami kakain.

Kompleto ang mga kaibigan ko pati dalawang Kuya. Ang hindi na lang dumadating ay si Mommy at Daddy.

"May biglaang meeting with BOD's." paliwanag ni Kuya Malt.

May imi-meet pa daw kasi sila muna bago pumunta dito.

Hindi na ako nagtanong pa. Kung darating, good. Kung hindi, okay lang din naman. Alam ko namang busy sila.

Inasikaso ko na lang itong mga kaibigan ko. Nagsi-upo na ang mga ito sa dining.

"Uy, guys! Kumain lang kayo ng kumain." wika ko sa mga ito.

"Sige lang, Miss President. Mamaya maya lang ubos na 'yan!" bulalas ni Arkin.

"Ang takaw mo kasi." panunudyo nitong si Trixie. E ang dami rin namang nakalagay sa plato niya.

"Nagsalita ang diet ah!" nguso nito sa plato ni Trixie. Nagsitawanan naman ang ibang kasama nila sa dining table na sina Macy, Shane, Evan at Reed. Hindi na naman natapos ang asaran ng dalawa.

Nasa sofa naman sila Gavin, Tristan at Sean.

Nandito pa rin si Sean. Hindi pa raw nito gustong umuwi kaya kasa-kasama pa rin nila. Naging close na rin naman namin siya kahit papaano kaya in-invite ko na rin siya.

Nilapitan ko ang mga ito at niyaya na ring kumain.

"Sige, sunod kami." sabi ni Tristan.

Tumango lang si Sean at tinitigan ako ni Gavin.

Huwag niyang sabihing magpapakuha na naman siya ng pagkain sa akin? Hindi ako umimik.

Busy ang tatlo sa laptop na nakapatong sa center table. Tila may pinapanood sila at pinag-uusapan nila ng seryoso.

Hindi ko na lang kinulit.

Sila Kuya Malt at Maze naman ay nasa paborito nilang spot sa condo. Ang counter table sa kitchen. Magkaharap rin ito at nagkukwentuhan habang kapwa may hawak na kopita na may lamang red wine.

Lumapit ako sa mga ito.

"Princess, anything that we can help you with?"

"Wala naman, Kuya. I'm good!" masigla kong sagot sa tanong ni Kuya Malt.

"Malapit na raw sila Dad."

"Sure na po ba?" pagdududa ko.

Feeling ko kasi wala naman na silang balak na dumating.

Nang narinig ito ng mga kaibigan ko ay dali-dali silang nagsipagtayo.Nagsilipatan na sa may sala ang mga ito at doon nag-umpukan.

"Kanta na tayo dali!" sabi ni Trixie.

Lumapit ito sa kinaroroonan ng TV. Tinulungan naman ito ni Arkin na kalikutin ang sound system.

Kanya kanya ring kwentuhan ang iba, kulitan at asaran. Hindi ako masyadong makasali sa kanila dahil sa paghihintay ko sa mga magulang ko.

Awtomatikong napalingon ang lahat sa gawi ng pinto ng tumunog ang doorbell.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang rason. Alam ko naman kung sino ang nasa likod ng pinto sa mga oras na iyon.

Nag-iba ang awra ng buong bahay. Tumahimik ang mga kaibigan ko. Ngayon pa lang nila makakaharap ang mga magulang ko.

Nagtungo kaming tatlo nila Kuya sa may pinto. For sure naman na sila na iyon.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon