C h a p t e r 6 8

8 1 0
                                    

Pagkatapos ng klase ay hindi pa kami kaagad umuwi, maliban kay Gavin. Magkausap lang si Gavin at si Tristan kanina ngunit bigla itong nawala na hindi man lang nagpapaalam sa aming lahat.


Minsan naguguluhan talaga ako sa taong 'yon. May times na clingy, may times na parang hindi kami nag-eexist sa kaniya. Kailangan mo lang talagang masanay kung ano siya at hindi talaga siya consistent pagdating sa socialization.


Ayos lang naman, kaya lang hindi ko talaga maiwasang mag-isip kung minsan at mag-alala.

Parang sa susunod na panahon kapag naulit ulit ang pag-atake ng anxiety nito ay hindi ko na alam kung saan ko siya hahagilapin.


"Maddy, bakit tulala ka?" tanong ni Tristan sa akin.


"Ha? Ah, wala."


"Umuwi lang si Gavin, natulala ka na d'yan." pang-aasar ni Trixie. Sinamaan ko lang ito ng tingin. Ayaw kong patulan kasi mas lalo lang itong mang-aasar.


Wala namang kaso kung uuwi ito, magsabi lang sana siya.


Ay bakit ba kailangan niyang magpaalam? Hay... Nagtatalo ang isip ko...


Nagpaalam na sila Arkin, Evan at Reed.


"Mamaya na lang, bro." sabi ni Arkin kay Tristan.


Tumango lang si Tristan at nagfist bump ang bawat isa.


Ah, magkikita kita pa sila mamaya.


Maiiwan pa kami ni Tristan kasi may kailangan pa kaming asikasuhin sa council.


"Nandito na rin si Kuya," sabi ni Shane. "Sasabay ba kayo?" tanong nito sa dalawa pa naming kaibigan.


"Okay lang ba?" tanong ni Macy.


"Oo naman," sagot ni Shane.


Nagpaalam na rin ang mga ito sa akin at kay Tristan.


"See you bukas, Maddy."


"Bye!"


Naglakad na kami patungong Student Council Office.


"Kamusta nga pala sa unit mo, Mads?" pagkuwan ay tanong ni Tristan sa akin.


"Ayos naman, actually hindi pa rin talaga ako makapaniwala na may sarili na akong unit."


Natawa kami pareho.


"Ganyan din ako noong niregaluhan ako ni Kuya noong freshman year." sabi nito. "Sobrang saya sa pakiramdam na solo ka na sa buhay, pero minsan mahirap din."


"Oo nga. Ang pinakaayaw ko talaga ay ang mga gawaing bahay." natatawang sabi ko.


The Day We Fall In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now