C h a p t e r 5 4

5 1 0
                                    


"Madison Kaylee..." a whisper from him woke me up.



Medyo magulo ang paligid pagkamulat ko ng aking mga mata dahil nagsisibaba na ang mga tao sa loob ng van.



"We're here in school now," he whispered again. He's caressing my hair.



Napabalikwas ako nang mapagtanto ko na nakayapos ako sa kanya. Kaagad kong binawi ang aking braso.



"S-s-sorry, G-gavin." sabi ko rito. Sobrang nag-iinit ang pisngi ko.



"It's okay." he smiled. Nahiya talaga ako. Sobrang nasarapan na ako sa pagtulog, napayakap pa ko sa kaniya.



"Bruv, sasabay ka na ba pag-uwi?" tanong ni Tristan kay Gavin.



Wala itong sasakyan dahil nag-commute ito papunta sa school noong Friday. Lumingon naman sa akin si Gavin na tila sa akin naghahanap ng sagot.


Napatingin naman ako kay Tristan.



"How about you, Mads?"



"Hindi ko sure kung nandito na si Kuya pero mukhang susunduin naman ako."



"All right." nagpalipat lipat ang tingin nito sa aming dalawa, ngumisi at napailing na lang bago lumabas ng van.


Hindi ko alam kung anong plano nila bakit sila nagsibaba dito sa school ang alam ko kasi ay ihahatid ang mga girls sa kani-kanilang bahay.


Well, as for me, I texted Kuya Maze this morning, and he said that he will ask Kuya Anthony to fetch me in school.


"Let's go?" pukaw sa akin ni Gavin.


Bumaba kaming pareho ni Gavin, inalalayan pa ako nito sa pagbaba as usual.



"Sissy, sasama ka ba?" sabi ni Macy sa akin pagkalapit ko sa kanila.



May balak pa silang maggala?



"Saan?"



"Kakain lang bago umuwi." sagot nito.


"Hindi na kayo magpapahatid kay Tristan?" tanong ko sa mga ito.


"Unfortunately, he has an urgent matter." sagot ni Arkin.


"Pwede ko pa rin naman kayong ihatid sa mga bahay niyo, guys!" sabi ni Tristan.


Still, a generous man.


"Okay lang kami, Tristan." sabi naman ni Shane.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now