C h a p t e r 9 3

6 2 0
                                    

I am waiting for Madison Kaylee and the others outside our classroom. Uwian na at marami nang tao sa corridor. Medyo naiilang ako kasi pinagtitinginan ako ng bawat babaeng dumadaan sa harapan ko. Perks of being in a band, sabi nga nila.


Hindi ko naman sila kilala. Pero may ilan na bumabati sa akin.


"Hi, Gavin!" bati ng isang grupo ng mga babaeng nagdaan. Hindi ko na mabilang kung ilan sila.


I just stared at them while they're walking away.


I totally had no idea who they were. I really don't know how to react. Kaya minsan ayaw ko mag-isa dahil sa ganito. I hate being subjected to any kind of attention from other people.


Naalala ko pa dati, may mga nag-iiwan pa ng mga notes, mga bulaklak, stuffed toys, at kung anu-ano pa sa desk ko doon sa dati kong section. Buti na lang sa section ngayon namin ay hindi na ganoon. Dahil sanay na siguro ang mga kaklase namin sa presensya ng ibang kabanda ko. Naging tahimik na ang buhay ko ngayong taon.


May mga nagcoconfess pa nga na gusto ako.

Like the hell I care!

But now...


Napatingin ako sa loob ng classroom. Hindi pa sila tapos mag-usap usap. Pwede naman na sa loob maghintay kaso ayaw kong maging involved sa ginagawa nila. Baka isali pa ako. Pinag-uusapan ng classroom officers at saka ng ibang committee para sa Feasibility Study Defense ang kung anu-ano ang mga kailangang asikasuhin. Finals week na next week kaya pinag-uusapan na nila ang mga detalye. I'm too lazy to join them.


Gusto ko lang matapos na ang meeting nila para makasama ko na si Madison. She's so busy... after her being sick, I seldom see her with us every morning and during breaks. Lagi itong nasa council. Lagi na lang may meeting or may event para sa basic education department. Ganoon ba talaga kapag presidente ng campus? The only time I can be with her is every class dismissal.


Kaya kahit matagal, naghihintay ako. Para sabay kaming uuwi.


One of the things I like about her is that she doesn't want people waiting for her. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na siya lumingon para tingnan ako rito sa kinaroroonan ko. Pakiramdam ko tuloy ay hindi siya makapag focus sa meeting nila dahil alam niyang naghihintay ako sa kanya. Ayaw kong magpatiuna sa parking, dadalhin ko pa ang bag niya habang naglalakad kami.


Ewan ko ba naman kasi bakit ayaw ko ng mga extra-curricular activities na kagaya ng ginagawa niya. Simpleng estudyante lang ako kaya ayaw ko nang sumali sa pagpaplano. Tumutulong lang ako minsan, kapag kailangang kailangan, pero ngayon? Napakadami na nila para sa project naming buong section kaya tinatamad na akong makiusisa. Sila Reed? Syempre, mga dakilang tsismoso sila kaya nakikigulo sila sa loob. Akala mo talaga nakikinig, pero hindi naman. Nagdadaldalan lang silang tatlo. Si Tristan ay officer, kaya no choice siya, kasali siya.


Madison looked back at me again so I decided to go back inside the classroom and sat behind her. She smiled at me. She seemed reassured that I was inside the classroom again.

Pumasok na ako dahil mas tahimik dito sa loob at mababawasan rin ang mga matang nakatingin sa akin gaya kaninang nasa labas.


The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon