C h a p t e r 9 1

9 1 0
                                    

Wala na akong nagawa kung 'di ang mahiga.


Naalala ko tuloy noong may sakit din siya at ako ang nag-alaga sa kaniya. Marahan nitong hinahaplos ang aking buhok. He is humming a song, but I am not sure of the title. Pamilyar lang pero hindi ko malaman kung anong kanta.


Hanggang sa hindi ko na namalayan ang mga pangyayari.


I woke up alone...


Nagpalinga-linga pa ako para hanapin si Gavin pero wala ito. Bumangon ako para silipin sa may bandang pintuan pero wala ito. Nahihilo pa rin ako. Napasulyap ako sa orasan, mag-aalas kwatro na pala.


Hindi ko namalayang kinumutan ako nito. Nahulog pa ito sa sahig. Nahirapan pa akong damputin ito dahil masakit pa rin ang ulo ko.


Saan kaya ito nagpunta? Hindi siguro ito sanay magbantay ng may sakit kaya iniwanan na lang ako pagkatapos kong makatulog.


Bumalik na lang ako sa pagkakahiga.


Tatawagan ko na sana ang kuya ko para samahan ako pero biglang bumukas ang pintuan.


"No,don't go here. She's sleeping..." pagtataboy nito sa kausap.


"Para ako na ang gagawa niyan e."


"No, kaya ko na. Tinuruan mo na ako, 'di ba? Kaya ko na." sagot nito.


Hindi ko sila nakikita, si Sean na naman ang kaaway nito.


"I will leave after cooking..." sabi pa ni Sean.


"No, I can do this and be quiet! Magigising siya!" sabi ni Gavin. "I will call you if there's a problem." sabi nito at narinig ko na lang ang pagpinid ng pinto.


Nagulat ito sa akin ng makita akong nakaupo.


"You're awake." sabi nito.


Nilapag lang nito sa center table ang mga dala tapos nilapitan ako.


"Are you okay? Wala ka na bang lagnat?" hinawakan ako nito sa noo. "Mainit ka pa rin. Where's your medicine kit?" tanong nito.


Naa-amaze ako sa taong ito. Ang buong akala ko ay iniwan na lang ako nito basta basta. Hindi tuloy ako makapagsalita sa sobrang tuwa na makita siya.

"Hey, Princess. Are you okay?" tanong nitong muli ng nakatitig lang ako sa kanya.


"Y-yeah..." nauutal kong sagot.


"Where's your medicine kit?" ulit nito sa tanong niya kanina.


Tinuro ko lang ang toilet at dali dali naman itong nagpunta roon. Pagbalik nito ay agad nitong ni-check ang temperature ko.


The Day We Fall In Love (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu