C h a p t e r 5 2

5 1 0
                                    


"Hey, Gav!" Pukaw sa atensyon ko nitong si Sean na nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyang oras.

Panira talaga..tsk!

"Gising ka na pala. Magsisimula na tayo."

"Anong oras na?"

"Hmm. Siguro around 7 p.m. Wala akong relo, bro." sagot nito.

Matagal rin pala akong nakatulog.

Tumayo na ako at sumunod kay Sean patungo sa mga kaibigan namin.

Nakapaikot na ang mga ito sa bonfire.

Hinahanap ng mata ko si Madison. Kani-kanina lang ay nag-iihaw ito at nakikipagtalo pa kay Evan dahil ayaw siyang hayaang mag-isa.

Katabi na ito ni Trixie at Tristan. Nakontento na lang ako sa pag-upo sa tapat nila.

"Ready na ba kayo, guys?" tanong ni Reed. May hawak hawak itong empty bottle of wine, baso at card na may nakasulat na 1, 2, 3 at 4.

I hate this game.

Truth or dare.

Ipinaliwanag nito ang mechanics ng game.

"Truth or dare lang naman. Kapag truth, papaikutin natin ang bote at kung kanino tatapat ang nguso nito ay siya ang may karapatang magtanong sa tao na nakatakdang magshot. Then, you have to drink 1 shot only. Pero, kapag hindi sumagot sa tanong, you have to pick here." itinaas nito ang cards at ipinakita ang numbers na nakasulat dito. "This will dictate kung ilan ang isha-shot mo kapag hindi ka sumagot sa tanong."

Nagkatinginan silang lahat at nagbulungan tungkol sa mechanics. I never liked this game.

"Maddy, iinom ka ba?" narinig kong tanong ni Shane kay Madison.

Nagthumbs up ito.

"Na-gets niyo ba?"

Kokontra na sana ako kaso...

"Yessssss!" tila choir sa simbahan nilang tugon.

Wala na akong nagawa kundi magpatianod na lang sa desisyon ng mga ito.

Buena mano si Macy at Evan.

Naghiyawan ang lahat.

"Nakailang girlfriend ka na?" tanong ni Macy sa katapat nitong si Evan.

"Dalawa." sabay tungga ng isang shot sa harap niya.

"Ows?" pang-aasar ng mga kaibigan ko.

"Dalawampu 'yon, gagi!" sabi ni Reed na ikinatawa ng lahat.

Pinaikot muli ni Reed ang bote at tumapat naman kay Sean na magtatanong kay Shane.

Matagal bago nakapagtanong ang pinsan ko, siguro kasi ay hindi pa naman sila ganoon ka-close.

Sa mga kaibigan ni Madison, si Shane ang pinakatahimik at mapagmasid lang. Dahil doon ay madali ko siyang natandaan.

"Single ka ba? Kung oo, bakit?" tanong ng pinsan ko.

Matagal rin ito bago sumagot. Tumingin muna ito kay Madison na tila humingi pa ng lakas ng loob para sumagot sa tanong.

"Yes. Because I chose to be single." she answered.

"Ohhhhh!" sabi naman nila Reed. Inabot rito ang isang shot. "Next!"

Ang tatapang sumagot sa tanong ng mga kaibigan ko. Tungkol sa kalokohan, embarrassing moment, lovelife at kung anu-ano pa. Then, it's my turn now...

Pinaikot ni Reed ang bote at tumapat kay Tan.

Shit! Swerte. He will definitely not asking anything stupid.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin