C h a p t e r 5

161 33 30
                                    

June 16, 2016
9 o'clock in the morning...

Monthsary sana namin ngayon.

Tinitignan ko ang paperbag sa may gilid ng sofa habang ako'y nakaupo at nakasandal kay Teddy.

Kagigising ko lang.

Nagising ako sa alarm ng celphone ko na nagpapaalala kung ano ba ang okasyong mayroon ngayon.

06/16/16
Happy 86th Monthsary babe! I love you! <3

Siya pa nga ang naglagay niyan sa celphone ko. Ganoon din sa celphone niya.

I'm wondering what he's thinking right now.

Iniisip niya kaya ako?

Nakangiti ba siya noong nakita niya ang alarm sa celphone niya? Tatawagan kaya niya ako?

Imposible.

Hay! Don't think of ridiculous things, Madison!

"Huwag ka nang umasa sa imposible." pagalit ko sa aking sarili.

Kung may balak siyang makipag ayos, tumawag na siya sa akin. Baka noong isang araw pa. Hindi tatagal nang ilang araw ang pag-aaway namin kung talagang gusto niyang makipag-ayos at bawiin ang sinabi nito.

Hay!

Umiling iling ako. Kailangan ko nang kayanin na wala siya sa buhay ko.

"Kaya ko 'to!" parang tangang pagpapaalala ko sa aking sarili.

Pagkasabi noon ay napalingon na naman ako sa paperbag na ibibigay ko sa kanya.

Mahinang sampal ang iginawad ko sa aking pisngi saka nanatiling nakahawak lang dito.

Tama na muna ang pag-iisip.

Wala kaming pasok sa school ngayon.

Maghapon na naman akong tatambay dito sa bahay.

For three consecutive days!

Hindi ako nakatapak sa school. Noon, kahit bumabagyo pa yan o kaya ay may trangkaso ako, pumapasok pa rin ako. Hindi ako nagpapatalo sa sakit lang. Pero ngayon, heto ako, absent na ng dalawang araw dahil na-broken hearted at ayaw makita ang ex boyfriend ko sa school.

Ang tanga ko na ba?

Hindi ko kasi alam kung ano bang gagawin ko kapag nakita ko siya sa school. Pakiramdam ko, sasabog ako any minute kapag nakita ko siyang muli. Baka umiyak lang ako ng husto o baka bigla ko na lang siyang yakapin at hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Nakakahiya.

Lalo na kung hindi niya ako yakapin pabalik. Dahil ayaw na niya sa akin.

Tumayo ako at kinuhaang paper bag sa gilid ng sofa.

Binuksan ko muli ang paperbag at kinuha ang maliit na kulay pulang box. Nanghihinayang ako na hindi ko ito maibibigay sa kanya. Nanghihinayang ako sa lahat ng bagay.

Sa pitong taong pinagsamahan namin.

Lahat ng mga pinagdaanan namin. Malungkot man o masaya.

Lahat, as in lahat lahat ng mayroon kami noon ay wala na.

Kung may magagawa lang ako para maibalik sa dati ang lahat. Kung maibabalik ko lang ang oras, gagawin ko ang lahat para hindi kami umabot sa punto ng paghihiwalay.

Ibinalik ko na sa lagayan ang relo. Lumapit ako sa side table para kuhanin ang cellphone ko. Tinext ko ang mga kaibigan ko...

To: Trix, Shane, Macy
Message : What's the craziest thing you ever did for love?

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now