C h a p t e r 9

130 28 22
                                    

"Uy, girl! Anong klaseng mukha 'yan?" siniko ako nitong si Trixie. "Bakit nakabusangot ka? Ang aga aga pa." litanya nitong kaibigan ko sa akin.


"Anong gagawin ko sa Feasib ko?" naiiyak kong tanong.


"Hala, girl! Hanggang ngayon, problema mo pa rin 'yan? Iba na 'yan, girl. Walang pagmove on d'yan ah."


"Ilang araw mo nang problema 'yan Maddy. Kausapin mo na lang siya ng diretso." kampanteng sagot ni Macy sa akin. Palibhasa kasi, magkapartner sila ni Trixie.


"Buti kayo, magka-partner kayo e. Tapos si Shane, nakausap na niya 'yong ka-partner niya. 'Yong partner ko, ni hindi ko nga alam kung alam ba niyang may ganitong project tayo!" nakasimangot pa rin ako.


Imbis na maawa sa akin ay nagsitawanan pa sila. Tinawanan na naman ako nitong mga kaibigan ko sa mga pinagsasasabi ko.


"Ang judger mo ah! Malay mo naman, alam niya." saway sa akin ni Macy habang pinagtatawanan ako.


"Malay mo naman gising siya noon, kahit nakayukyok sa desk niya." dagdag pa ni Trixie tapos tumatawa pa rin.


"Anong gagawin ko?" naguguluhan na ako. Isinubsob ko na sa lamesa ang sarili ko habang sabu-sabunot ang aking buhok!


"Easy ka lang, Maddy." natatawang sabi ni Shane.


Kapag nasa classroom kasi ay hindi ko naman ito matyempuhan na gising. Lagi talaga itong nakayukyok sa desk nito. May professors man o wala, ganoon na talaga siya palagi.

Mag-iisang lingo na mula nang sinabi sa amin ang mga magkaka-partner para sa Feasibility Study namin pero ako heto, sobrang nag-wo-worry pa rin. Bukod nga sa hindi ko alam kung aware ba siya na may project kami, hindi ko rin alam kung alam niya ba na ako ang ka-partner niya.


"Huwag mo na masyadong isipin, Maddy. Hindi ba ay ka-partner ko 'yong ka-banda niya?" singit ni Shane.

Si Reed kasi ang naging ka-partner nito.

"Tatanungin ko na lang rin si Reed kung pwede bang isama niya si Gavin, or group na lang tayo kapag magmi-meet kami."


Medyo nagliwanag ang aking isip sa sinabi nito.

Tumango tango na lang ako. Hindi ako magiging kampante hangga't hindi nagiging sure ang pagmi-meet namin.

Hindi na ako nagsalita pa. Ang hirap talaga ng ganito.

Hindi ko siya kilala, as in. Ni minsan, hindi pa kami nagkakausap.

Ngayon ko lang siya naging kaklase at kung minamalas ka nga naman, naging kapartner ko pa talaga siya!


"Feeling ko naman mabait siya, Maddy." sabi ni Macy.


"Feeling ko rin." sabi ni Shane. "Well, mabait din si Reed. Ini-invite nga niya akong manood ng gig nila mamaya eh." Dagdag pa nito.


"Wow! Close na kayo agad, girl?" pandidilat ni Trixie kay Shane!


The Day We Fall In Love (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ