C h a p t e r 9 4

7 1 0
                                    

Nagkatinginan pa kami ni Shane. Alam kong hindi ako nagkamali ng dinig dahil sa reaksyon ng kaibigan nito.


Shane was shocked but she managed to smile due to the fact that Madison is finally showing signs of affection for me. Somehow.


I don't want to assume but her actions, her words, they are way more different from what she is towards me before.


Napailing iling na lang si Shane at hindi na umimik. She's happy, I know. She's happy for Madison.


My heart is full. Ewan ko, wala naman akong narinig na sinabi niyang gusto niya ako or what but her actions speak even brighter than what I really want to hear.


Hindi na ako umimik to cherish the moment. Parang tumigil ang mundo sa pagitan naming dalawa. Wala na akong pakialam sa paligid.


Pagdating ng order ng lahat ay masaya kaming nagsikain. Si Madison ay busy naman sa paglalagay ng soup sa mangkok at pagkatapos ay inilapag sa tapat ko saka kumuha ng isa pa para naman sa kanya.


Bukod sa solo orders namin ay may mga orders pa kami na para sa lahat kagaya ng soup at dessert. Kumuha sila ng dessert, pero hindi pa naise-serve. Sana walang ice cream baka magpumilit pa itong si Madison na kumain ng ice cream.


Hindi na nga ba ako nagkamali. Ang kinuha nilang mga desserts ay Leche Flan, Coffee Jelly at Ice Cream.


Napapailing na lang ako nang inilapit pa talaga sa tapat namin ang lagayan ng ice cream.


"Girl, ikuha ba kita?" tanong ni Shane kay Madison.


"No..." protesta ko. Hindi ko alam kung narinig ni Shane pero mukhang narinig ni Madison kasi napalingon ito sa akin.


She smiled at me. "Kaunti lang..." she said with her eyes looking straight at me. How can I resist? "Please..."


"Madison Kaylee, your fever just went down. I can give you an ice cream factory but not today." pagmamatigas ko, pero any kung magpupumilit pa ito ay baka hindi ko na talaga mahindian.


She pouted.


"Tama si Gav, Maddy. Huwag ka na mag ice cream." pagsang-ayon sa akin ni Shane na ipinagpasalamat ko ng husto. "Alam mo girl, marami ka pang araw para kumain ng ice cream, papatayuan ka pa raw ng factory ni Gavin huwag ka lang kumain ngayon." sabi pa nitong si Shane.


Bakit ba supportive ito sa akin? She likes me for her, I can conclude that.


"Maddy, approved na daw ang letter, sabi ni Shawn." singit ni Tristan. Mukhang nabasa nito sa cellphone ang ibinalita kay Madison.

"Okay. Salamat, Tristan. Oh, magprepare na kayo sa Feasibility Study niyo ha? Tuloy na tuloy na ang defense natin." sabi ni Madison sa lahat.


Ang iba naming kaibigan ay nalungkot, lalo na ang mga may ka-partner na hindi kabilang sa aming circle, si Arkin at si Evan. Si Tristan, mukhang chill lang. Si Shane at Reed ang magka-partner kaya walang problema. Kami ni Madison, product making na lang dahil tapos na kami sa lahat ng chapters. Probably, we'll be making our sample over the weekend.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now