C h a p t e r 5 7

7 0 0
                                    

"Have Maze ever been told about your new place?" Kuya Malt asked.

We're having breakfast right now. Maagang umalis si Kuya Maze because of his Davao flight. Of course, business matters. Pag-uwi ko kahapon ay hindi ko rin halos nakita si Kuya Maze dahil nasa meeting daw ito with foreign investors at late na umuwi. Nasa loob ako ng room ko the whole time dahil mayroon akong oral presentation sa school ngayon.

Umiling ako bilang tugon sa tanong nito.

Inaantok pa ako.

Tanghali pa ang klase ko kaso maaga akong pupunta sa school today may kailangan akong asikasuhin sa council at para makapagprepare na rin para sa presentation.

"So we've decided to get you your own condo unit instead of renovating your room here." Walang kaemo-emosyong utas nito.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig! Seryoso ba?

Seryoso naman lagi ang mukha ni Kuya Malt.

"It's an early birthday gift, though," he added. Still wearing his poker face.

Halos masamid ako sa sinabi nito. October pa lang! Napaka-advance naman na birthday gift no'n!

"Are you serious, Kuya? Baka prank lang ito! O baka nananaginip ako?" duda ko sa sinabi nito. Pinisil ko pa ang pisngi ko. Baka panaginip...

"Kailan ba ako nag prank, princess?" he said. "Actually, it was Maze's idea." kaswal lang itong nagsasalita. Parang teddy bear lang ang sinasabi nitong regalo nila sa akin.

Napatalon ako sa kinauupuan ko sa sobrang tuwa! OMG!

"Thank you, Kuya!!!" lumapit ako rito at niyakap siya mula sa likod.

"But..."

Oh. There's a condition.

"What is it?" sumeryoso na rin ako. Baka tungkol na naman ito sa --

"Well you know that all of our units are occupied already. The Meadows 4 is under construction. So, your unit will not be here or any other condo we owned. Is that okay with you?" mahabang paliwanag nito.

There's nothing wrong with that. "It's okay, Kuya."

Kinikilig pa rin ako sa tuwa.

"Okay, I will inform my secretary to settle all the necessary documents so you can move within this week."

Mas nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. "As in ngayong week na?"

"Ayaw mo ba?" tanong nito.

Umiling ako. "Aayaw pa ba ako, Kuya? Grabe!" napapatili ako sa sobrang saya!

"Saan po pala 'yong unit?"

"Few blocks aways from here lang naman. I forgot the name of it, it's too long." he complained. "But, don't worry, the owner is a close friend. You'll be accommodated accordingly."

"Pag-mamay-ari ng close friend?" Pag-uulit ko sa ilang kataga na sinabi nito. "Hindi kaya si --"

"No, of course not, Madison Kaylee Russell! Of course not!" na-gets agad nito na ang tinutukoy ko ay ang kanyang first love. Pero mukhang imposible naman.

Ngumiti ako ng malawak. Kahit nagbibiro na ako e wala pa rin talaga itong reaksyon!

"You better hurry! Finish your breakfast." pag-iiba nito sa usapan. "By the way, Mang Fredie will be your driver again, from now on."

"Woah! Seriously? Finally!" sigaw ko. "Salamat naman at magaling na siya." sambit ko. "Pero you know, Kuya. Feeling ko kaya ko namang magdrive na mag-isa." sabi ko rito.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now