C h a p t e r 50

33 4 1
                                    

Nawala na sa mood si Gavin buong umaga.

Iritable.


Nilapitan siya ni Sean kanina para yayaing sumali sa nilalaro nila pero pabalang itong sumagot.


"Leave me alone, Sean." he said in a low, cold voice.


'Yong sigla ni Sean bago ito lumapit kay Gavin ay napalitan ng lungkot. Naawa tuloy ako sa pinsan niyang tila lantang gulay na bumalik sa table namin.


"Yaan mo na bro'. Baka nahipan na naman ng masamang hangin." natatawang bulong ni Evan.


"Hindi ka pa nasanay diyan sa pinsan mo, bro'." dagdag ni Arkin.


"Mawawala rin ang badtrip niyan. Tigilan niyo muna." sabi ni Tristan na pinagmamasdan ang kaibigan.


"Alam mo naman 'yan hindi na siya 'yong Gavin na kagaya noong Junior High tayo kaya huwag mo nang kulitin. Lalapit na lang 'yan kapag okay na siya." sabi ni Reed na sumulyap rin kay Gavin na nagsosolo sa may bangka.


"Baka mali ang gising. Likot mo siguro matulog, Sean."


"Gagi, hindi." nakangusong depensa nito. "Maganda pa ang mood niya kanina bago tayo umalis sa resort. Pagdating lang natin dito saka siya nagkaganyan."


"Bakit? May nangyari ba sa byahe?" tanong ni Tristan na nakatingin sa aming mga kasama niya sa bangka.


"Wala naman e." sagot ni Reed.


Nagkibit balikat naman si Evan.


Feeling ko tuloy kasalanan kong naging ganiyan siya.

Nagi-guilty tuloy ako.

Nagkatinginan kami ni Shane.

Hindi na ako umimik. Ayaw ko nang ikwento na ako 'yong rason.

Ihinain na ang dala dala naming mga pagkain.


"Miss President oh!" iniabot sa akin ni Reed ang isang banig na plato na may dahon ng saging sa ibaba.


"Kaya mo bang kumain ng walang utensils?" tanong pa nito.


Bahagya lang akong ngumiti. Hindi ko pa nagagawa, pero gusto kong subukan. Pinanood ko pa muna sila kung paano sila kumain kapag walang kutsara at tinidor. Mukhang madali lang naman.


Kaso, wala naman akong ganang kumain dahil sa misunderstanding namin ni Gavin. Nakahiga ito sa bangka, dahil doon lang naman may lilim na pwedeng pagsilungan at maaaring matulugan.


Hindi ito sumabay kumain sa amin, kaya mas lalo akong na-guilty. Gusto ko sana siyang dalhan ng pagkain kaso, natatakot naman ako na sungitan niya ako.


Hindi rin tuloy ako nakakain nang maayos.

Pagkatapos naming kumain ay nagsipag langoy na sila sa tubig.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang