C h a p t e r 8 1

6 2 0
                                    

Ready na ako sa pag-alis. Hinihintay ko na lang na dumating si Kuya. Nasa meeting pa ito for sure kaya wala pa.


Sumilip ako sa terrace upang tingnan kung may tao na ba sa kabila. Hindi na muling nag-update si Gavin kung nasaan na siya pagkatapos nilang kumain sa cafeteria kanina. Wala na ring sinend na pictures si Reed.


Madilim pa. Mukhang wala pang tao.


Ayaw ko namang magtanong kung nasaan na siya baka maging demanding naman. Sino ba naman ako para magtanong?


Hinanda ko na lang din ang camomile tea at lavander tea para kay Gavin. Mahilig ako sa tsa-a kaya marami akong iba't ibang klase rito. Naglagay ako sa isang microwavable ng iba't ibang klase ng tsa-a na ibababad na lang sa mainit na tubig. Kung sakaling wala pa si Gavin ay iiwanan ko na lang ito sa harapan ng pintuan niya.


Hindi ko alam kung hanggang kailan kami sa Tagaytay. Mamaya ko pa lang malalaman pagpunta namin doon. Kadalasan kasi, mahilig sa mga out of town trips ang uncle ko. Baka pagkarating namin sa Tagaytay ay magpunta pa sa ibang lugar. Pwedeng beach or private pool. Pwede rin namang buffet lang, depende kung ano'ng magustuhan ni Uncle.


Sumilip akong muli sa terrace, wala pa ring kailaw ilaw sa loob. Mukhang hindi pa nakakabalik si Gavin. Si Sean kaya?


Napailing ako. Iiwanan ko na lang ito sa tapat ng pintuan niya. Wala naman sigurong kukuha nito. Inilagay ko ito sa isang paperbag.


"Hello, Kuya..."


"I'm here na sa lobby."


"Okay po..."


Binitbit ko na ang maleta ko. Oo. Maleta. In case lang naman, baka may mga ganap sa party ni Uncle. Maliit lang naman ang maleta ko, ayaw ko lang kasi magbackpack kaya ganito ang dinala ko.


Iniwan ko muna sa tapat ng pinto ni Gavin ang paper bag. Tinapik tapik ko pa ito na parang alaga bago tuluyang umalis.


Hindi ko inaasahan na makita si Gavin sa lobby. Take note, kausap ang kuya ko. Bakit ba lagi silang nagtatagpo?


Nilapitan ko sila pareho. Nagliwanag ang mukha ni Gavin pagkakita sa akin. He smiled as if I am something that makes him happy.


"There you are..." sabi ni Kuya. "Let's go na, baka ma-traffic pa rin."

Tumango lang ako at nagpatiuna itong maglakad palabas ng building.


Hindi mapatid ang eye to eye contact namin ni Gavin. Wala itong sinasabi, kahit ako rin pero parehong nangungusap ang aming mga mata.


"Take good care, Madison Kaylee."


"Ikaw rin, Gavin. I left something for you on your front door." sabi ko rito bago tumalikod. Bigla ako nitong hinawakan sa braso kaya napalingon ako ulit.


"Princess, that's not the proper way of saying goodbye." sabi nito.


The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon