C h a p t e r 3 3

52 6 0
                                    

Pumikit na lang ako at taimtim na nagdasal.

Hindi ko alam kung ano'ng mangyayari sa akin. Labis labis ang kabog ng dibdib ko. Tila lalabas na ang puso ko sa kinalalagyan nito.

"Are you alright?"

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata nang marinig ko ang boses ng taong humila sa akin.

"Gavin..." pagtapos niyon ay bumuhos na ang aking mga luha sa halu-lahong emosyong aking nararamdaman.

"Hey. Stop crying. I'm already here."

Isinandal nito ang ulo ko sa kanyang balikat.

"I'm so s-scared. S-someone's following me. S-s-sobrang n-natakot a-ako. S-sobra 'yong kaba ko..." hagulgol na iyak.

Sobrang natakot ako sa sumusunod sa akin.

"It's okay now. You're safe with me." hinawakan niya ang balikat ko at inangat mula sa pagkakahilig sa kanyang balikat. "Stop crying. I'm here".

Pinunasan nito ang aking mga pisngi.

"Shhhhhh... Don't cry."

Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Nabigla ako sa mga nangyari.

"Bakit nandito ko, Gavin? Hindi ka ba kasama sa dinner?"

"I was with them. I was worried when Tristan came and you're not with him so I ran back here." paliwanag nito.

"I was fine before I left the hall but as I walk through the hallway, may bilang sumitsit at parang may naglalakad..." naiyak na naman ako.

"Huwag mo nang isipin, you're safe now." sabi nito.

"Thank you, Gavin."

"Let's go now, they're waiting for you." he said. Pinunasan nito muli ang pisngi ko. "Stop crying, Princess. You'll get ugly."

Ngumiti ito. Nakita ko na naman ang maramot niyang mga ngiti. Somehow, nakaramdam ako ng seguridad sa mga oras na 'yon.

Lumabas kami ng kwarto na hawak niya ang kamay ko. Akay akay niya ako na parang batang paslit na nagpapatianod lang sa bawat hakbang niya palabas ng campus.

Sa isang Steak House restaurant sila nagpareserve. Bago kami pumasok ay pinigilan kong pumasok si Gavin.

"Gavin..." pigil ko sa braso nito.

Tumigil ito at humarap sa akin.

"Don't tell them what happened earlier, okay?"

Tumango ito at naglakad nang nauuna sa akin.

"She's here." narinig ko pang sigaw ni Trixie.

"Akala ko C-CR ka lang, bakit galing ka sa labas?" tanong naman ni Reed kay Gavin, pagkakita rito.

Hindi naman ito sumagot.

"Akala ko hindi ka na darating." sabi pa ni Trixie pagkalapit ko sa kanila.

Napatingin ako kay Gavin na humila ng upuan tas sumenyas na doon na lang ako umupo.

Lumapit ako sa upuang itinuro ni Gavin. "Ang tagal matapos ng meeting namin." sabi ko sa mga ito.

"Pahinga naman na next week, Miss President. Tapos na ang campaign." sabi ni Arkin.

"Ano ba kayo, General Assembly pa aasikasuhin namin." sabi ni Tristan. Haggard na rin ito.

"Hard works will pay off naman for sure." sabi ni Shane. "Sure win na!"

"Early celebration na natin 'to, guys!" sabi ni Macy. "Kaya umorder na tayo!!""

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang