C h a p t e r 1 4

99 24 20
                                    

Maaga akong nagising.

Actually, hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip sa kaganapan kahapon sa school.

"Pwede ko na yata ibenta 'yang eyebags mo, Princess." pang-aasar pa ni Kuya Maze.

"Hindi ka na naman ba nakakatulog ng maayos?" tanong ni Kuya Malt.

Hindi ako umiimik. I'm too tired para patulan ang pang-aasar ni Kuya Maze at masyado pang antok para magstart ng conversation.

Gusto ko pa sanang matulog kaso gusto kong mauna sa mga kaibigan ko para didiretso na lang ako sa classroom. Maaga rin naman talaga ang pasok namin today. 9 o'clock ang first subject.

"Princess, I will ask my secretary to assign a driver for you while Mang Fredie's not available." Kuya Malt said while we are on our way to school. Hinatid ako nito.

"Huwag na, Kuya."

"It is for your own benefit naman, para hindi ka na sumasabay kay Maze or nagti-take ng cab kapag may pupuntahan ka."

"Ayos lang po, malapit lang naman ang school sa Meadows." sagot ko rito.

Sa totoo lang, ayaw kong kumuha sila ng panibagong driver kasi baka mawalan ng trabaho si Mang Fredie. Kaya hihintayin ko na lang siya hanggang sa gumaling siya.

"Thanks, Kuya. Ingat po!" humalik ako sa pisngi nito saka tuluyang lumabas ng kotse.

What I liked the most being the youngest, I am a bit spoiled when it comes to my two older brothers. Sila talaga madalas ang nagfu-fulfill ng mga requests ko.

It's not about the material things, I am not into that. Hindi ko ugali na magpabili ng kung anu-ano. Actually, I am saving my allowances para mabili ko ang mga bagay na gusto ko.

Kaya natutuwa ako kapag hinahatid at sinusundo nila ako sa school, kasi busy ang mga kapatid ko, but they still make time for me. Never pa yata nagkaroon ng time na pinasundo nila ako sa assistant or even sa personal drivers nila.

Ganoon ako ka-special sa mga kapatid ko.


Hindi na ako nagpatuloy sa cafeteria nang matanaw ko ang The Great na kasama ng mga kaibigan ko.

Baka nandoon si Gavin.

Ayaw ko na lang na magkaroon kami ulit ng conflict ni Gavin.

Ayaw ko pa naman na mayroon akong hindi kasundo sa loob ng classroom.

Kung ayaw niya na maging part ng project, ayos lang naman sa akin. After all, pwede naman mag-individual siguro kapag sinabi ko kay Sir ang concern ko with him. Pwede naman na maging magkapartner kami tapos ako lang ang gagawa. Pagdating ng defense, siya rin naman ang mahihirapan dahil wala siyang idea sa project.

Kaya, either way, siya lang talaga ang makakasagot kung gusto ba niya o hindi. Maghanap na lang din siya ng ibang partner. Pwede naman din 'yon.

Naging kampante na nga ako na wala si Grant, ngayon naman itong bago kong kaklase e tila pinaglihi yata sa sama ng loob.

Wala talaga akong maalala na nagawa ko sa kaniyang hindi maganda para sungitan niya ako or kung ano man.

Imagine, ngayon ko lang siyang semester na ito naging kaklase tapos, grabe na siya kaagad sa pagiging masungit niya!

Gusto ko sana siyang kausapin ng masisinsinan. 'Yong dalawa lang kami at hindi na malalaman pa ng mga kaklase namin. Pero paano naman?

Pagpasok ko sa classroom ay nagulat pa ako sa nadatnan ko!

Si Gavin nakaupo na sa pwesto niya!

Shit!

Sa kamalas malasan naman talaga, hindi ito tulog ngayon!

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon