C h a p t e r 2 4

71 15 10
                                    

"Bakit hindi ka na lang magpalit ng number, Miss President?" tanong ni Reed.

Nakita niya kasi na may tumatawag na namang unregistered number sa cellphone ko.

"Ah. Hinihintay ko na lang 'yong sim card na ipadala sa akin. 'Yong assistant kasi ni Kuya ang nag-asikaso."

"Nice!" sambit nito. "Hindi mo na kailangang pumila sa service provider para magpalit ng postpaid line mo." natawa ito.

"Kung magpapalit ka rin ng number, sabihin mo sa akin para ipapalakad ko rin sa assistant ni Kuya." alok ko rito.

"Hala! Huwag na, Miss! Baka pagalitan pa ko ng Kuya mo." napakamot ito sa ulo. "Iba talaga kapag bigatin."

"Uy! Hindi naman." sabi ko rito. "Pero, curious lang ako, anong family business ninyo?"

"Lightings and Fixtures." maikling sagot nito.

"Wow! Dapat pala sa inyo na lang kami magpasupply para sa mga upcoming projects namin." sabi ko rito.

"Posible ba 'yon?"

"Akong bahala! I-re-recommend ko kayo kay Kuya."

Mabait itong si Reed. Simple lang at maaalalahanin. Lagi siyang nauunang mangamusta kapag nakikita ako nito. Hindi ka mabo-bore kapag kasama mo siya dahil marami rin siyang kwento. Masayahin rin itong tao at palabiro kaya walang dull moment kapag kasama.

Kaming dalawa na lang ang magkasama ngayon.

Hinihintay namin si Kuya Malt. Sa The Lab na sana ako maghihintay, kaso natatakot ako na baka nandoon na naman si Grant dahil doon niya ako nakita last time. Nauna na rin kasi sila Tristan sa The Lab, may gig sila ngayon. Kasama sila Macy at Trixie.

Si Gavin ay uuwi pa sa bahay nila at kukunin ang gitara nito.

Nauna na rin umuwi si Shane dahil may family dinner sila.

Nag-usap usap sila na kailangang mayroon akong isang kasama palagi kapag maghihintay ako ng susundo sa akin.

Si Reed lang ang pwedeng maiwan ngayon dahil siya ang may motor sa kanilang lahat at mabilis lang siyang makakarating sa The Lab.

Matagal siguro ako ulit bago makapanood sa gig nila dahil sa mga kaganapan.

"Sorry, I'm late." hinging paumanhin ni Kuya Malt pagdating nito.

Almost 7 o'clock na ito dumating.

Ngumiti lang ako dito at bumaling kay Reed. "Thank you ulit, Reed! Mag-iingat ka sa pag-momotor mo." paalala ko rito.

"You're welcome, Miss. Thank you rin. Ingat kayo!"

Nagpatiuna na ito sa pag-alis dahil 7:30 p.m ang simula ng gig nila.

"I am planning to get you a driver." Kuya Malt said while driving us home.

"Kuya, ayaw ko ng ibang driver." nasabi ko na sa kaniya 'yon before.

"We can't be like this. We are disturbing other people."

May point ito. Kakawa rin naman ang mga kaibigan ko dahil kailangan pa nila akong intindihin.

Hindi ako nagsalita.

Hinihintay ko kasi na gumaling ang driver ko. Paano kapag magaling na siya tapos may bago na akong driver? Paano na ang trabaho niya?

"I will choose one of my body guards to be your driver in the mean time that Mang Fredie is not yet okay." he explained. Parang narinig nito ang nasa isip ko. "Once Mang Fredie recovers, he will be your driver again. Is that okay with you?"

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now