C h a p t e r 1 3

104 28 23
                                    

I almost cried.

Akala ko malaya na akong makapili ng taong gusto kong maging parte ng buhay ko.

Alam ko namang dadating din ulit ako sa ganitong sitwasyon. Kaya lang, bakit naman ganoon?

Na-gegets ko naman na posibleng mangyari 'yon. Dahil dati, hinayaan nila ako sa gusto ko.

They let me decide and let me love Grant the way I wanted it to be.

Kaso, once na malaman nila Dad kung ano na naman ang nangyari sa amin at kung anong ginawa ni Grant, baka mas lalo nilang ipilit sa akin 'yong gusto nila.

They want me to marry someone that I didn't even meet. It has been decided ever since I was a kid. Ni hindi ko nga alam kung kaninong pamilya siya nabibilang.

Montemayor? Vucharest? Tan? Sarmiento?

Ewan ko na! Nagdagdagan na naman ang mga iniisip ko!

Hindi tuloy ako makatulog!

Knowing my Dad, he will pursue it once he knew that Grant and I were over.

Sabi ko nga, ipinaglaban namin ni Grant 'yong relationship naming dalawa noon.

Ayaw sa kaniya ni Daddy sa napakaraming rason. Isa na doon ay hindi kasi businessman ang magulang nito. Wala silang sariling negosyo at nagtatrabaho ang kaniyang mga magulang sa ibang bansa.

To my dad, business is very essential. At para maging matagumpay ang mga negosyo namin ay kailangang magkaroon ng mga kasunduan sa pagitan ng mga businessmen. Isa na roon ang pagkakaroon ng mga arranged weddings sa kani-kanilang mga anak.

Nasawa na lang din si Daddy na pigilan ako sa mga gusto ko noon sa buhay ko. Sobrang hirap ng pinagdaanan namin sa Daddy ko para lang maging maayos kami sa kanila. Too bad, hindi man lang siya nanghinayang sa mga taon na lumipas at ginugol namin para lang ma-accept ng dad ko 'yong relationship na mayroon kami.

"Matututunan mo ring mahalin ang taong pakakasalan mo, Hija." umalingawngaw na naman sa isip ko ang mga kataga ng aking ama.

Natuturuan ba ang puso na mahalin ang taong hindi mo naman kilala?

Maybe, I should just agree with him. Wala na rin namang silbi kung kokontrahin ko pa siya.

Knowing my dad, he will really push this through, kapag nalaman talaga niyang wala na kami.

Kaya ko bang makisama sa taong hindi ko naman gusto?

Magugustuhan ko rin kaya siya kung sakali?

Kung susunduin ko ba si Dad, hindi na ako masasaktan ulit?

Napagod na kasi akong makipagsapalaran pagdating sa love e! Parang pakiramdam ko, naubos na ako sa huling relationship na hi-nandle ko.

Parang may phobia na ako sa love.

Mayroon bang gano'n?

------

"Kung ako sa'yo dito mo na lang iyan gawin." hirit ni Shane.

Galing ako sa student council office at papunta sana akong library dahil maaga pa pero naisipan kong dumaan muna sa cafeteria para bumili ng inumin at saka sana didiretso sa library. Akala ko kasi wala pa sila.

Nakaupo sila sa tambayan naming apat. Pero ngayon, madami silang nakaupo sa doon. Dalawang bilog na lamesa ang pinagdikit.

Kasama na naman nila ang The Great.

After those incidents with Gavin, hindi na ako gaanong sumasama sa kanila sa mga pagtambay tambay, group study, or kung ano pa man 'yan. Especially, kung kasama ng mga friends ko ang banda.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن