C h a p t e r 9 0

8 1 0
                                    

Masakit ang ulo at mataas na lagnat ang bumati sa akin kinaumagahan. Natuluyan na ang nagbabadya pa lang na sipon kagabi bago ako matulog. Bahing ako ng bahing kagabi pagkatapos kong maligo. Uminom naman ako ng gamot pero nagtuloy pa rin.


"Bakit ba ang bilis ko'ng magkasakit?"


Pinilit ko pa ring bumangon at maligo. Baka sakaling mawala ang lagnat ko, kaso mas lalong lumala at sumama ang pakiramdam ko. Nag-iisip akong huwag pumasok kaya nga lang ay marami akong kailangang asikasuhin. Monday pa naman, may flag ceremony sa quadrangle ng campus.


Kumain ako ng breakfast at uminom ng gamot. Hopefully, mag-take effect ito pagdating ko sa school.


"Hija, parang hindi maganda ang pakiramdam mo, bakit papasok ka pa?" bati ni Mang Fredie sa akin.


"Kailangan ko pong pumasok dahil may event sa school." sabi ko rito na medyo may pagkangongo pa dahil barado na ang ilong ko.


Wala itong nagawa para pigilan ako sa pagpasok. Pagdating sa school ay dumiretso na lang muna ako sa student council office para makapagpahinga saglit.


Nang dumagsa na ang mga tao sa quadrangle ay lumabas na ako. Maayos naman na ang stage. May naka-assign na rin sa bawat tasks. Kailangan ko lang din talagang i-supervise. Kaso, napakainit sa labas! Para akong lalagnatin lalo.


"Are you okay?" tanong ni Tristan ng mapansin nitong matamlay ako.


"Ayos lang, medyo sinisipon." sabi ko rito.


"Uminom ka na ba ng gamot?" tanong nitong muli.


"Yeah, bago pumasok kanina nakainom na ako."


"Magpahinga ka na lang muna doon," turo nito sa mga upuan sa gilid ng stage. "Kami na ang bahala rito."


Pasimula na ang ceremony. Buti na lang at mga school administrators ang magsasalita para sa mga remarks at ibang announcements kaya hindi ako kailangan para umakyat sa stage. Medyo nanghihina rin kasi ang tuhod ko.


Sinunod ko na lang ang sinabi ni Tristan na maupo muna. Hindi ko na malaman kung anong nararamdaman ko sa sobrang dami! Masakit na ulo, barado ang ilong, masakit ang lalamunan at pati na rin ang aking mga kalamnan.


Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos rin naman kaagad ang ceremony na labis ko'ng ipinagpasalamat. Bumalik na kami sa office, may meeting pa kami after an hour. Nagpasya akong umidlip sana sa table ko kaso napakaingay na sa paligid. Kaliwa't kanan ng building na ito ay may kanya kanyang ingay dahil sa iba't ibang organizations at school clubs na doon rin ang office.


Hindi ako makakuha ng maayos na tulog. Paano nagagawa ni Gavin na matulog ng ganito kahit maingay?


Nilapitan ko si Tristan. "Can you take over in our meeting later?"


Hindi ko na talaga kaya! Kailangan ko itong maipahinga kahit saglit lang!


"Yeah. Sure, no problem. Saan ka pupunta?" tanong nito.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now