C h a p t e r 1 1 5

7 1 0
                                    

Mahimbing at payapa si Gavin habang nakahiga sa kama. He's been in coma for almost 5 days now. Hindi pa rin siya nagigising pagkatapos ng operasyon. Dahil sa internal hematoma sa kanyang utak, ay inabot ng mahabang oras ang operasyon ni Gavin. Hindi rin masabi ng doktor kung ilang araw siya bago magkakaroon ng malay.


"Hija, you can go home and take a rest." hinawakan ako sa balikat ng mommy ni Gavin.


Nilingon ko ito at sunud-sunod na umiling. "Okay lang po, Tita. Gusto ko po na nandito ako kapag gumising siya."


Mugto pa ang aking mga mata dahil sa pag-iyak. Sa tuwing may maaalala akong masasayang pangyayari na kasama ko si Gavin ay naiiyak ako at hindi ko talaga mapigilan.


"Wala ka pang maayos na tulog, baka ikaw naman ang magkasakit."


"Ayos lang po ako, Tita." ngumiti ako.


Mabait ang Mommy ni Gavin. Sa ilang araw na kasama ko ito sa pagbabantay kay Gavin ay maasikaso ito. Madalas ko rin siyang nakikita na umiiyak at kinakausap si Gavin. Ngayon ay uuwi sila ng Laguna dahil may pasok na bukas si Gale sa school.


Sa loob ng limang araw na nasa hospital si Gavin ay halos hindi rin ako umuwi. Nagmamadali ako palagi galing ng school. Para makabalik kaagad sa kanya. Gusto ko na ako ang makita niya pagkagising niya.


Kasalanan ko kung bakit siya nandito ngayon. Kasalanan ko kung bakit siya naaksidente.


Nagising ako nang may pumasok sa room ni Gavin. Ang nurse-in-charge sa madaling araw.


"Hi, Ma'am. Sorry po, nagising ko kayo. Monitor lang po kay Sir Gavin." sabi ng nurse sa akin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ni Gavin para makalapit ito at ma-check ang vital signs niya.


"Ma'am normal naman po ang vitals, wala rin po siyang fever ngayon." mahinang sambit ng nurse.


"Thank you."


Lumapit ako kay Gavin at hinaplos ito sa ulo ng marahan. Nakabenda ang ulo nito dahil sa operasyon at may ilang gasgas sa mukha. Hindi ko na naman maiwasang umiyak sa sobrang habag sa sinapit ni Gavin dahil sa akin.


Kung nagsabi lang sana ako sa kanya kaagad, hindi na hahantong sa ganito. Hindi na siya maaaksidente. Hindi na malalagay sa panganib ang buhay niya.


"Gavin, I'm so sorry..." sunud-sunod na hikbi na naman ang ginawa ko.


Wala na akong ginawa kung 'di ang umiyak! Kung may kapangyarihan lang ang mga luha ko para mapagaling si Gavin, mas mabuti sana. "Magpagaling ka, Gavin... Gumising ka na, please..."


Hinawakan ko ang mga kamay nito at muling naupo sa bangko sa gilid ng kama.


Bumalik sa akin ang lahat ng ala-ala naming dalawa. Mula noong unang nagtagpo ang landas namin... Hindi naman kami nag-umpisa bilang magkaibigan, dahil napakasungit niyang nilalang. 'Yong unang beses kong napansin si Gavin ay noong natutulog siya sa tabi ko. Siya ang nakaupo sa upuan ni Grant, kaya nagtaka ako. Pero hindi naman kami nag-usap dahil noong gigisingin ko na siya at pinigilan ako ni Tristan.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें