C h a p t e r 1 9

79 23 16
                                    

"CRUSSSSSSSSHHHHH!" nakakaeskandalong sigaw ni Arkin sa harapan ng student council office.

Pagkatapos ng ilang segundo ay pumasok ito sa loob ng office kasama si Tristan.

Hindi ko na maintindihan 'yong mga pinag-uusapan nila sa loob dahil medyo maingay rin kasi ang paligid. Sa building na ito nakalagay ang mga offices ng bawat student organizations sa school.

Madami sila at may iba't ibang pinagkakaabalahan.

Magkakaiba ng tugtog, at kung anu- ano pa.

Naiilang ako sa dami ng mga tao pero I have to be here with them.

I decided to go with them.

Paglabas nila ng office, nagkatinginan pa kami ni Madison pero umiwas siya.

Siguro ay masama pa rin talaga ang loob niya dahil sa mga nasabi ko.

Hindi ko naman siya masisisi.

Hanggang sa nauna silang maglakad pabalik sa cafeteria kung saan kami nakapwesto kanina.

Nahuhuli ako sa kanila.

Pinagmamasdan ko lang sila pati ang paligid.

Madaming estudyante sa quadrangle.

Ganito naman ako palagi.

Walang paki.

Papasok, matutulog, uuwi, gig. Repeat.

Nag-aaral? Wala naman akong bagsak so I guess, mabuti naman akong mag-aaral.

Same place sa labas ng cafeteria. They say it's the girls' favorite spot in here.

We'll just buy. Dito na lang kayo." sabi ni Tristan.

"Okay." sagot ng tatlo.

"Mamaya na lang 'yong bayad." habol pa ni Macy.

Hindi pa rin siya nagsasalita.

"Dito na lang din ako." sabi ni Reed.

Sumama ako sa kanila.

She'll be uncomfortable with me being there with them.

Bihira akong pumasok sa loob ng cafeteria. Sila lang naman ang madalas bumili ng pagkain.

Kapag gusto lang nila na sa aircon kami pero madalas, sa labas talaga kami nakapwesto kahit mainit.

"Ano bang paborito dito ni Madison?" tanong ko sa mga kasama ko.

Napatingin sila sa akin na tila na stroke.

Nagslow clap pa 'tong si Evan na parang umaarte pang naiiyak. "WOW, Gav! Very unusual! You're making your first move, huh!"

Binatukan tuloy siya ni Arkin.

"Oh bakit?" kasyuwal kong tanong.

Patay malisya. Ayaw kong mag-isip sila ng kahit ano.

Sila naman may gusto nito.

And I have to do it.

"Wala. Nagulat lang na bibilhan mo si Miss President." sagot ni Arkin.

"Iced coffee." singit ni Tristan. "She likes it with vanilla." he added while smiling.

Ang creepy ng smile! Potek!

"T-thanks!"

Bumili ako ng iced coffee with vanilla kagaya ng sabi ni Tristan.

Medyo kabado pa ako no'ng papalapit na kami sa kanila.

What if itapon niya 'to? Ugh!

Napangiwi ako sa naisip ko.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang